^

PSN Showbiz

Millennial politician crush si Coco

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Millennial politician crush si Coco
Donya Tesoro, Steph Teves

MANILA, Philippines — Hindi lang pala si AiAi delas Alas ang naakyat bahay. Nabiktima rin pala nito ang isang may-ari ng beauty clinic.

Ang kaibahan lang, sila AiAi at asawa niyang si Gerald, hindi nagising hanggang makalayas ang magnanakaw.

Ang may-ari ng beauty clinic nagising pero na-afraid daw ang magnanakaw at tumalon sa bintana.

‘Yan at iba pang masayang usapan ang napanood sa episode 30 ng No. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute! (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu kahapon.

Ang suspetsa ng source ni Nay Cristy, baka nagulat ang magnanakaw sa may-ari ng beauty clinic dahil baka may ipinagawa na naman ito sa kanyang face kaya marahil na-disorrient kaya napatalon.

Hahaha.

Ang blind items ng digital talk show ang isa sa inaabangan sa programa kaya kung ‘di n’yo napanood ng live kahapon, maki-team replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON dahil pinangalanan ni Nay Lolit Solis kung sino ang nasabing may-ari ng beauty clinic na ‘yun na sobra ang tawa ni Mr. Fu.

Pinasadahan din nila ang isyu kay Alden Ri­chards, Alex Gonzaga, John Lloyd Cruz, Deborah Sun at marami pang iba.

 Naging guest naman kahapon ang Beautederm ambassador and millennial politicians na si San Miguel, Tarlac, Mayor Donya Tesoro and Muntinlupa Councilor Steph Teves.

Wow, ang gaganda nila. Hindi mo aakalaing mga pulitiko na brainy.

Thanks to Beautederm na pati si Pres. Duterte ay napa-wow nang makita sila.

Dahil nga ang dami na sa kanilang nagtatanong kung anong beauty regimen nila dahil sa rami ng trabaho, para silang mga Korean na walang pores, ganun kakinis ang mukha nina Mayor Donya and Coun. Steph, mag-o-open na sila ng Beautederm store.

Ang kaso pareho silang single. Yup, as in wala silang boyfriend. Crush ni  Mayor Donya si Dominic Roque at si Coco Martin naman ang crushy ni Coun. Steph. 

vuukle comment

DONYA TESORO

STEPH TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with