^

PSN Showbiz

Melanie at ex, friends na dahil sa anak

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Melanie at ex, friends na dahil sa anak
Melanie Marquez

SEEN: Hindi agad nakilala si John Lloyd Cruz ng mga nanood ng Edward sa Trinoma Cinema 4 noong Huwebes ng gabi dahil sa kanyang buhok na mahaba, balbas at bigote. Nagpatindi sa “hippie look” ni John Lloyd ang sandals na suot niya. Ang Edward ang critically-acclaimed movie sa 15th Cinemalaya. Bida sa Edward ang former child actor na si Louise Abuel.

SCENE: Hindi lumaban si Metro Manila Develop­ment Authority Assistant Secretary Celine Pialago nang sigawan at saktan siya ng ABS-CBN News reporter na si Doris Bigornia dahil nasa isip niya ang pangaral ng kanyang mga magulang na huwag lumaban sa mga matatanda.

SEEN: As of presstime, hindi pa naglalabas ng depensa si Doris Bigornia tungkol sa mabibigat na akusasyon ni ASEC Celine Pialago laban sa kanya pero nagbigay na ng official statement ang ABS-CBN management: “Any allegations of deviation from these will be dealt with seriously.”

SCENE: Nag-uunahan ang mga kababaihan na maimbitahan sa Ladies Night with Marco Gumabao na mangyayari sa susunod na linggo sa isang bar sa Pasig City. Si Marco ang leading man ni Anne Curtis sa Just A Stranger ng Viva Films na ipalalabas sa August 21.

SEEN: Ang kuwento ni Sarah Geronimo sa Viva Convention tungkol sa kanyang matagal na pangarap na makagawa ng isang dog movie at natupad ito sa Because You Love Me, ang pelikula ng Viva Films at The Idea First Company. Dog lover si Sarah at marami siyang pet dogs.

SCENE: Sina Sheryl Cruz, Paul Salas at Jon Lucas ang featured guests sa Midlife Tsismis, ang episode ng Dear Uge na mapapanood bukas, August 11, pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

SEEN: Naging magkaibigan si Melanie Marquez at ang kanyang ex-husband na si Derek Dee pagkatapos ng much-publicized break up nila noon. May dalawang anak ang ex-couple, sina Maxine at Michelle. Hinihingi nina Melanie at Derek ang suporta ng lahat para sa Miss World Philippines 2019 bid ni Michelle na sinusundan ang yapak ng kanyang supermodel at beauty queen mother.

vuukle comment

MELANIE MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with