^

PSN Showbiz

Dennis balik-Kapamilya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dennis balik-Kapamilya!
Dennis kasama ang co-stars

Pagkatapos nina Alden Richards at Maine Mendoza, si Dennis Trillo naman ngayon ang kinuha ng Star Cinema para sa isang pelikula.

Isang horror movie ang gagawin niyang may tentative title na A Family Ghost Story na ididirek ni Robert “Bobby” Bonifacio.

Makakasama niya rito sina Beauty Gonzales, Raymond Bagatsing at Alyssa Muhlach.

Hindi ito first time ni Dennis sa Star Cinema. Nakagawa na siya noong 2015 kasama si Maja Salvador pero co-prod ito sa Regal Films.

Ngayon ay solo na raw ng Star Cinema, pero hindi kaya nakipag-co produce dito ang ALV Productions? Pawang talents kasi ni Arnold Vegafria ang makakasama rito ni Dennis.

Sa July 31 na ang showing ng Hello, Love, Goodbye daw sila magsisimulang mag-shooting.

Samantala, proud na proud naman ang mga taga-GMA 7 para kay Alden dahil maganda raw ang kinalabasan ng Hello, Love, Goodbye.

Napanood na ng ilang taga-GMA Artists Center ang pelikula at gandang-ganda sila. Masayang-masaya sila para kay Alden.

Nakakaiyak daw at proud sila sa performance ng Pambansang Bae.

Binigyan nga ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, kaya very positive silang maganda rin ang kalalabasan nito sa takilya.

Ang challenge nga sa pelikulang ito ay kung malagpasan ang kinita ng The Hows of Us.

Derek-Kris movie ginagawan ng paraan para matuloy

As of presstime, hindi pa talaga masagot ni Atty. Joji Alonzo kung matutuloy pa ba sina Kris Aquino at Derek Ramsay sa pang-Metro Manila Film Festival na pelikula nilang (K)Ampon.

Hindi pa sure si Kris sa kalusugan niya dahil patuloy pa rin siyang nagpapagamot at may treatment pang ginagawa sa kanya.

Ang isa pang problema ay ang schedule ni Derek na three times a week siyang nagti-taping para sa The Better Woman. Kaya inaayos pa raw kung kakayanin nila kapag ganung schedule.

Naka-text ko nga si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films, ginagawan pa raw nila ng paraan na maayos at tuluy-tuloy ang shooting.

By end of the month daw ipa-finalize na nila lahat, pero sa ngayon ay wala pa muna silang masasabi kung tutuloy sina Kris at Derek sa pelikulang ito.

Pero noon pa man ay sinasabi ni Derek na gusto niya talagang magkaroon ng pelikulang pang-MMFF dahil gusto niya talagang meron siyang entry every other year.

Baka pipilitin naman sa schedule niya dahil tuluy-tuloy pa ang taping niya sa The Better Woman.

Umiinit na ang takbo ng kuwento at ang dami nang sumusubaybay. Kaya nga dinagsa sila ng napakaraming fans nang sumali sina Derek at Andrea Torres sa Kapuso Mall Show sa Talisay, Cebu nung nakaraang Sabado.

Summer MMFF magkakaroon na ng launching

Bukas ng hapon ay pormal nang ilu-launch ng MMDA ang isa pang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa susunod na taon.

Pursigido si Sen. Bong Go na ituloy ito para tuluy-tuloy din ang pagpu-produce ng mga pelikula.

Gagawin daw itong Summer Metro Manila Film Festival, kaya ia-announce kung kailan sa summer nila ito gagawin.

Iibahin daw ito sa taunang MMFF na ginagawa tuwing December at ilalahad nila ito bukas sa kanilang launching.

Malinaw na ang MMDA pa rin ang hahawak nitong Summer MMFF, pero bahagi pa rin naman ang FDCP sa bagong film festival na ito.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

KRIS AQUINO AND DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with