^

PSN Showbiz

Kantang ginawa ni Alessandra iilan ang nakarinig?!

Nitz Mirallez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Talent na pala ng Viva Artists Agency si Alessandra de Rossi dahil naka-post sa Instagram (IG) ng VAA ang birthday ng aktres noong July 19. Three photos ni Alex ang naka-post sa IG at pare-pareho ang birthday greetings na “Happy birthday, @msderossi Much love from your VAA family.”

Ang alam namin, sa Cornerstone ni Erickson Raymundo pa siya nakakontrata.

Dahil nasa VAA na si Alex, i-expect natin siya sa gaganaping VivaCon sa August 3 to 4 sa World Trade Center dahil lahat ng talents ng VAA ay darating. Pati nga sina Empoy at Arjo Atayde nabasa namin ang mga pangalan na dadalo sa VivaCon dahil sa gagawa sila ng movie sa Viva Films.

As for Alex, abangan natin ang mga gagawin nitong movies sa Viva Films at sana, mag-record na rin siya sa Viva Records kahit single muna na ire-release sa publiko at sa kanyang fans. Hindi ‘yung iilan lang ang makakarinig.

Kainan ni Alden may bago na namang branch

Lumalaki ang restaurant business nina Alden Richards at business partner sa Concha’s Garden Restaurant dahil bukod sa mga naunang binuksan at operational na ngayon, magbubukas sa August 1, ang Concha’s Midlands Golfers Lounge at sa October 2, ang Concha’s Highlands Golfers Lounge. Hindi naman siguro darating ang panahon na iiwan ni Alden ang showbiz para mag-concentrate sa kanyang mga negosyo ngayon.

Nababanggit niya sa mga interview na marami pa siyang role na gustong gampanan at story na gustong gawin. Matutupad lang ito kapag patuloy siyang nasa showbis.

Anyway, successful ang concert ng cast ng Hello, Love, Goodbye last Saturday sa Skydome. Nag-unite ang fans ni Alden at fans ni Kathryn Bernardo para maging successful ang show at ang hinihintay na lang ng lahat ay ang premiere night ng movie at regular showing simula July 31 para malaman kung susuportahan ang Cathy Garcia-Molina movie pati ng casual viewers.

Mga bida ng Hanggang… tamad mag-promote

This Monday na ang pilot ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko  na mapapanood after Eat Bulaga from Monday to Saturday. Suspense at may horror ang tema nito, first sa nasabing time slot at kung may nagdududa na tatangkilikin ang soap, ang production staff, kampante na magugustuhan ng Kapuso viewers ang story ng afternoon soap.

May tanong lang ang ilang Kapuso viewers, parang hindi raw proud sina Megan Young, Kim Domingo at Rayver Cruz dahil never nilang binanggit sa socmed account nila. Ni walang paalala na this Monday na ang pilot ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko para abangan.

Si Kris Bernal lang daw ang nag-post ng may kinalaman sa soap, pero photo lang nito na multo siya. The rest of the cast, hindi prino-promote ang Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko. Tapos si Megan, wala pa sa presscon dahil may sakit, kaya walang masulat sa kanya.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with