^

PSN Showbiz

Mike Enriquez wala sa hitsurang may dinaraanang health challenge

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mike Enriquez wala sa hitsurang  may dinaraanang health challenge
Mike Enriquez

Grabe pala ang health situation ni Mike Enriquez. Pagkatapos ng open heart surgery niya noong September 2018, may three times a week siya na dialysis treatment at ngayon, naghihintay ng kidney transplant.

Walang dialysis patients na nagsabi na madali ang treatment sa kanila dahil napakahirap ng pakiramdam ng mga sumasailalim sa naturang procedure.

Pinahanga ako ni Papa Mike dahil sa kabila ng mga health challenge na pinagdadaanan, nagagawa pa rin niya na gampanan ang mga trabaho, ang pagiging kapitan ng barko ng DZBB, anchor ng 24 Oras at iba pang work na kasama sa kanyang  posisyon.

At sa tuwing napapanood si Papa Mike sa kanyang mga prog­rama sa DZBB at GMA-7, hindi mahahalata na may health crisis siya na pinagdadaanan dahil very positive pa rin ang kanyang aura at good vibes ang inihahatid niya sa listeners at viewers.

Lalong tumibay ang faith ko kay God dahil alam ko how close ang relationship ni Papa Mike sa Kanya.

Sabi ko nga, malakas siya kay Mama Mary kaya lahat ng pagsubok sa kanyang kalusugan, nalalagpasan niya.

Kung lahat ay may dedication sa trabaho tulad ni Papa Mike, hindi talaga na nakapagtataka na frontliner ang lahat ng mga programa na hinahawakan niya kaya nangunguna sa ratings game ang DZBB Radyo Na TV, ang teleradyo ng GMA Network Inc.

Benjie at Andre  in demand  sa Father’s Day!

Dahil ipagdiriwang bukas ang Father’s Day, in demand sa mga television guesting ang mag-amang Benjie at Andre Paras.

Ang father and son team ng Paras ang special guests ngayong umaga sa Sarap ‘Di Ba?, ang Saturday morning show sa GMA-7 ni Carmina Villarroel at ng kanyang mga anak na sina Cassy at Mavy.

Makakasama nina Benjie at Andre sa Sarap ‘Di Ba? Si Zoren Legaspi, ang ama ng mga anak ni Carmina.

After Sarap ‘Di Ba?, aapir naman sina Benjie at Andre sa Eat Bulaga dahil sila ang maglalaro sa Boom!

Studio 7 may bagong pakulo

Ang Duet With Me ang bagong segment sa Studio 7 na mapapanood na tuwing Sabado.

Sa Duet With Me, isang Studio 7 artist at dalawang contestants ang magtatapatan sa biritan at tonight, si Julie Anne San Jose ang unang sasalang at makakalaban ng mga contender.

Bago at kakaiba ang concept ng Duet With Me kaya sure ako na magugustuhan ito ng loyal viewers ng musical variety show ng Kapuso Network.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with