^

PSN Showbiz

Kathryn hirap na hirap nang maging OFW

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathryn hirap na hirap nang maging OFW
Kathryn Bernardo

Masayang-masaya si Kakai Bautista dahil sa pagkakasama sa pelikulang Hello Love Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Para sa komedyana ay kakaibang tambalan ang masasaksihan ng mga tagahanga lalo pa’t ngayon lamang nagkatrabaho sina Kathryn at Alden. “Bawal mag-usap kapag seryoso ang eksena pero nakakatuwa kasi oo, nagdye-gel naman kami. Kapag nakatrabaho mo ang mga tao na sponge to learning talagang magdye-gel kayo agad eh,” nakangiting pahayag ni Kakai.

Isang Overseas Filipino Worker o OFW ang ginampanan ng aktres sa bagong pelikulang ito ng Star Cinema. Ayon kay Kakai ay maraming mga kababayan ang nakasaksi sa kanilang shooting sa Hong Kong. “They’re excited na ‘Ay, ganyan!’ Nagte-take sila ng mga video pero kapag nagsery oso na si direk, nakikinig naman sila and they love being with us. Basta supportive sila sa amin,” kwento ng dalaga.

Kabilang din sa nasabing pelikula ni direk Cathy Garcia-Molina si Maymay Entrata na isa rin sa mga gumaganap bilang isang OFW. “Oo, si Maymay dito abangan n’yo. Basta kapag napanood n’yo ito (matutuwa kayo),” giit ni Kakai.

Samantala, masaya rin ang dalawang bidang sina Kathryn at Alden dahil sa kanilang karanasan sa shooting nang halos isang buwan sa Hong Kong. “Talagang nayakap ko ‘yung buhay Hong Kong kasi ang tagal. Tapos mahirap, mahirap ‘yung buong experience. Na-homesick talaga ako. Grabe ‘yung respect ko ngayon sa mga OFW’s lalo. ‘Yung tatlong linggo ko doon, my God, feeling ko ilang taon na ako do’n,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

“The hardwork, the blood, the sweat, the tears to do this film, I guess sobrang proud ako. Ibinigay ko lahat, I mean lahat kami,” pagtatapos naman ni Alden.

Joem at Iza,  tungkol sa ketong ang reunion movie

Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang huling magkatambal sina Iza Calzado at Joem Bascon. Matatandaang gumanap bilang mag-asawa ang dalawa sa pelikulang Batanes noong 2007. Ngayon ay ikinatuwa raw ni Joem nang malamang makakatambal niyang muli ang aktres para sa pelikulang Culion. “I’m happy kasi first ever film ko kasama ko rin si Iza Calsado for Batanes under Adolf Alix. And now I’m very happy to be working with her again,” bungad ni Joem.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil bukod sa bagong pelikula ay pinagkakaabalahan na rin ang teleseryeng Starla na pinagbibidahan naman ni Judy Ann Santos. “Ginagawa na namin ‘yung Starla ngayon and then for Culion is with Iza Calzado and Meryll Soriano naman. Powerhouse tandem din behind the scenes kasi is Ricky Lee and director Alvin Yapan kasama dito. Binigyan na kami ng script,” pagbabahagi ng binata.

Ayon kay Joem ay talagang maganda ang istorya ng gagawing pelikula na sisimulan na ang shooting sa susunod na buwan. Tungkol daw ito sa pamumuhay ng mga taong nagkaroon ng ketong sa Culion na isa sa mga kilalang isla sa Palawan. “Alam ko na merong leper colony pero hindi ko alam na meron siyang parang siyudad talaga na city. I thought it was just a hospital. hindi ko alam na sobrang naging community na pala siya. It’s going to be a very realistic story,” paglalahad ng aktor.  (Reports from JCC)

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with