‘Woman’ uso sa teleserye
SEEN: Kahapon, May 20, ang pilot telecast ng Alex and Amie, ang comedy at live animation series nina Max Collins at Mikael Daez na mapa panood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:30 am sa GMA-7. Dalawa na ang Monday to Friday show ni Max dahil bukod sa Alex and Amie, napapanood din siya sa Bihag.
SCENE: Dalawa rin ang programa ni Dominic Roco sa GMA-7, ang Alex and Amie at ang Dahil Sa Pag-Ibig na parehong nagsimula kahapon ang airing.
SEEN: May “woman” ang pamagat ng mga upcoming television series ng ABS-CBN at GMA-7, ang Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Xian Lim, Kim Chiu at Erich Gonzales at ang The Better Woman, ang drama series nina Andrea Torres at Derek Ramsay.
SCENE: Malapit nang mag-resume ang shooting ng Fusion dahil naiproklama na si Hero Bautista bilang re-elected councilor ng 4th District ng Quezon City. Si Hero ang bida ng Fusion at co-stars niya sina Maria Ozawa at Daiana Menezes. Nahinto ang shooting ng Fusion dahil sa pangangampanya ni Hero.
SEEN: Sina Robin Padilla at Arnell Ignacio ang dalawa sa mga supporter ni Senator-elect Bong Go na dumalo sa thanksgiving party nito na ginanap sa Rizal Park Hotel noong Linggo, May 19, 2019.
SCENE: Pinaghahandaan na mabuti ni Julie Anne San Joseang Julie Sings the Divas, ang solo concert niya sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa July 20, 2019. Special guest ni Julie Anne si Arnel Pineda. Nag-celebrate si Julie Anne ng 25th birthday niya noong May 17, 2019.
SEEN: Nominado si Paolo Contis sa best actor category ng dalawang award-giving bodies para sa performance niya sa Through Night and Day. Inisnab ng 67th FAMAS ang mahusay na acting ni Paolo sa critically-acclaimed movie nila ni Alessandra de Rossi.
- Latest