^

PSN Showbiz

LT nakikiusap na ‘wag sayangin ang boto

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
LT nakikiusap na �wag sayangin ang boto
LT

Kahapon sa press launch ng Beautederm, binanggit ng bagong endorser nilang si Lorna Tolentino na sana lumabas daw ang mga tao para bumoto.

“Bilang Pilipino, sana bumoto tayo. Gamitin natin ang ating karapatan para pumili ng tingin nating karapat-dapat na magsilbi sa ating bayan.

“Sana huwag nating sayangin ang ating boto.

“May iba kasi na ayaw na raw nilang bumoto dahil ganun pa rin daw ang nangyayari sa ating bansa.

“Sana huwag nilang isipin yun. Huwag sana natin sayangin ang ating boto,” seryosong pahayag ni Lorna Tolentino.

Gwen pagkapanganak aayusin ang kasal!

Napalundag sa sobrang tuwa ang basketbolistang si David Semerad nang nalamang baby boy ang ipinagbubuntis ni Gwen Zamora.

Ang saya-saya nga ng mga dumalo sa Gender Reveal Party na ginanap sa Mr. A’s bar sa Seascape, Pasay City kamakalawa lang dahil natupad ang wish ng magka­sintahang baby boy ang kanilang magiging anak.

Doon na rin in-announce na Cooper John ang ipapangalan sa baby.

Ang elder sister ni Gwen na si Thea Jimenez ang nag-ayos ng naturang party, dahil siya lang ang nakaalam ng gender ng baby. Siya ang naglagay ng blue confetti sa malaking balloon, kaya wala raw talagang kaideya-ideya ang magkasintahan. Kaya ganun na lang ang tuwa nila nang nasunod ang wish nila sa kanilang first baby.

Ang dagdag pang sorpresa sa naturang party ay ang proposal ni David sa aktres.

Kumpleto kasi roon ang pamilya ng basketbolista. Dumating pa ang magulang ni David mula Australia.

Ang daddy pa ni David ang nagdala ng throw pillow na niluhuran ng basketbolista, at ang kapatid niyang si Anthony ang nag-abot ng singsing, habang kumakanta si Jay Durias sa background.

Mahigpit na nagyakap ang magkasintahan at si Gwen daw talaga ang pinakamasaya sa lahat.

Pitong buwan na ang ipinagbubuntis ni Gwen at ang expected due raw nito ay sa August 18.

Pagkatapos daw niyang manganak saka raw nila paplanuhin ang wedding.

Kahapon ay umalis din sila ng Boracay para magbakasyon.

vuukle comment

GWEN ZAMORA

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with