Arnell napa-react sa iskandalo ni Jim!

SEEN: “Fake” ang sagot ng veteran singer na si Jim Paredes tungkol sa alleged private video niya na kumalat kahapon pero ipinipilit ng kanyang bashers at haters na authentic at hindi pang-April Fools Day ang video scandal.
SCENE: “Now more people are looking at you and puking. Mukhang hanggang 2022, walang l…g lahat ng nakapanood. Warning,” ang reaksyon ni Arnell Ignacio tungkol sa video scandal ni Jim Paredes na isa sa mga kritiko ni President Rodrigo Duterte. Minsan nang hinamon ni Arnell ng live debate si Paredes dahil hindi niya nagustuhan ang paninigaw na ginawa ng former Apo member sa mga pro-Duterte rallyist na dumalo sa EDSA revolution anniversary celebration noong February 2017.
SEEN: Matagal nang usap-usapan na may video scandal si Jim Paredes pero kahapon lamang lumitaw ang kopya. Hindi nag-iisa si Jim dahil sa tsismis na may video scandal din ang senior citizen actor na ama ng isang aktor.
SCENE: Mag-aaral si Glaiza de Castro ng music production sa Central London sa July 2019 habang wala pa siyang teleserye project sa GMA 7. Si Glaiza ang bagong celebrity ambassadress ng Symply G Hair and Skin Care Products.
SEEN: “Meron minsan, nose bleed moment pero may times kasi na iba yung accent nila. Nakakapagod kasi nga sanay ako na malalalim pa ang Tagalog ko. Na lumaki talaga ako sa Tagalog na pamilya pero tinuturuan ko sila ng ibang mga salita like salamat,” ang kuwento ni Glaiza de Castro tungkol sa kanyang 30-year old British boyfriend na si David Rainey.
Nagbigay kay Glaiza ng pointers ang Dear Uge host na si Eugene Domingo tungkol sa long distance relationship. May karapatan si Eugene na magbigay ng payo dahil sa long distance relationship nila ng kanyang Italian husband na si Danilo Bottoni.
- Latest





















