^

PSN Showbiz

AiAI at ina waging best actress sa portugal

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
AiAI at ina waging best actress sa portugal
AiAi

SEEN: Ang taos-puso na pasasalamat ni AiAi delas Alas sa mga organizer ng 2019 Fantasporto International Film Festival sa Porto, Portugal dahil sa best Actress award na ipinagkaloob sa kanya para sa powerful performance niya sa indie movie na School Service. Tie sa best actress category sina AiAi at Ina Raymundo, ang leading lady ni Ogie Alcasid sa Kuya Wes.

SCENE: Bulag, nananakit ng bata at salbahe ang karakter ni AiAi Delas Alas sa School Service at dahil sa kanyang effective na pagganap, kinamuhian siya ng mga nanood ng pelikula na mula sa direksyon ni Louie Ignacio. Successful ang tandem nina Louie at AiAi dahil nanalo ito ng mga Best Actress trophy sa mga international film festival.

SEEN: Ngayong hapon ang pilot telecast ng Dragon Lady, ang most challenging role ni Janine Gutierrez na gaganap na babaeng dragon sa kauna-unahang pagkakataon.

SCENE: Sa March 18 ang pilot airing ng Sahaya, primetime television series nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Migo Adecer. Si Zig Dulay ang direktor ng Sahaya na pinapangarap nina Miguel, Migo at Bianca na mapanood sa Netflix para paulit-ulit nila na masubaybayan ang kanilang teleserye.

SEEN: Magwawakas sa March 15 ang Onanay at ito ang papalitan ng Sahaya. Grateful sa GMA 7 si Jo Berry dahil malaki ang ipinagbago ng buhay niya mula nang magbida siya sa Onanay.

SCENE: Nagdiwang si Maine Mendoza ng 24th birthday sa Eat Bulaga noong Sabado. Kahapon, March 3, ang actual birthday ni Maine at pareho sila ng kaarawan ng namayapa na action superstar na si Rudy Fernandez.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with