Major secret ni Heart pahulaan!
Buntis na kaya uli si Heart Evangelista?
Meron daw kasi siyang major secret na hindi niya muna puwedeng sabihin. Eh sa kanyang ginamit na post, may kaharap siyang isang angel na batang istatwa na naka-sign ng ‘quiet please’ na kinopya niya ang sign na manahimik.
“I’ve got a major secret and I can’t wait to tell you about it! I’ll keep my lips zipped for now,” caption niya sa nasabing photo.
Bukod sa hulang baka nga preggy na uli siya matapos makunan ng kambal na panganay sana nila ni Sen. Chiz Escudero, may hula rin namang finally ay kasama na siya sa cast ng sequel ng pelikulang Crazy Rich Asians.
Isa pang hula ay finally ay magkakaroon na ng launching ang kanyang Love Marie business na mga bag, clutch and other kitchen wares.
Wala pang sagot si Heart, pero alin nga kaya sa three choices na ‘yun ang major secret ng fashion influencer/actress/painter?
Nauna nang may nanghula na mabubuntis nga uli siya next year. Nagkaroon naman ng CRA issue dahil nga tinawag siyang real CRA ng author ng libro nitong si Kevin Kwan na isang box office movie rin at ‘yung negosyo namang sinasabi ni Heart ay noon pa nababalita.
Sa isa pang post ay inamin ni Heart na dumating sa point na gusto niyang sumuko dahil sa mga pinagdaanan niya. Naging suki rin kasi siya ng bashers pero ngayon ay parang tinantanan na siya. “Counting down the days ... I must admit, some days are really a struggle for me. There are times when I just feel like giving up. What keeps me going is the thought that I’ve come so far and that I’ve reached heights I never could have reached if I quit early
- Latest