^

PSN Showbiz

Personalidad na sumikat sa trono, dama na ang insecurities

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaramdam na pala nang matinding insecurity ngayon ang isang kilalang female personality. Alam na niya kasi na malaking pagbabago ang magaganap sa kanyang buhay dahil sa isa ring bagong kaganapan na ipinagbubunyi ng buong bayan.

Maraming nagkokomento na siguro naman ay mababawasan na ang kanyang pagkikilos-reyna, siguro naman ay bababa na rin sa sahig ang postura ng mga miron na nakapaligid sa kanya, dahil nand’yan na ang bagong putaheng papalit sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang mga taong nakapalibot sa kanya, kung makapangbakod, e, akala mo naman aagawin mo nang aagawin ang amo nila!

“Akala mo naman napakataas na opisyal ng gorbyerno ang binabantayan nila na ni hindi mo malapitan, kukumustahin mo lang ang girl, e, parang kailangan mo pang kumuha ng appointment?

“Akala siguro nila, e, panghabambuhay na ang hawak na position ng girl, pero du’n sila nagkamali, ngayon pa nga lang, e, may pumalit na sa trono niya, di ba?

“Bilang na bilang na ang mga araw niya!” madiing komento ng aming source.

Napakalaki naman kasi ng naging pakinabang ng naturang babae sa kanyang kapalaran. Nakatutok sa kanya nu’n ang mata ng buong mundo.

Napakarami niyang naging trabaho, kumita siya nang milyones sa mga ginawa niyang TVC, marami nga naman siyang dapat ipanghinayang.

“Hanggang dito na lang siya, may bago nang may-ari ng tronong nagpasikat sa kanya, mapuputol na ang kaangasan ng mga tao sa palibot niya dahil malapit na malapit na ang pagbaba ng girl sa pedestal niya.

“Natural, nakakaramdam na ng insecurity ang girl, nag-aalala na rin siya sa career niya, saan na siya dadamputin kapag kaliwa’t kanan na ang kumukuha sa serbisyo ng pumalit sa kanya?

“Buti nga at nakahabol pa siya, meron pa siyang natalisod na trabaho habang hindi pa umaalagwa ang pumalit sa kanya! Huwag kasing maaangas ang mga taong humahawak sa kanya!

“Matuto silang makisama, pag-aralan nilang mabuti ang mundong pinasok nila, they should watch their back!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Tony napahamak sa kayabangan!

Parang ipinatikim lang ng kapalaran kay Tony Labrusca ang popularidad sa pelikulang Glorious. Matagal siyang pinagpistahan. Maraming nainggit kay Angel Aquino   dahil isang bruskong guwapong aktor ang nakasiping nito sa proyekto.

Pero sa isang iglap, nang dahil lang sa init ng ulo, ay humulagpos ang paghanga ng ating mga kababayan kay Tony Labrusca. Kung dati’y puro papuri sa kanya ang mababasa sa social media, ngayon ay bina-bash siya, pinararatangang mayabang, abusado at kung anu-ano pang negatibong salita na nababagay sa inasal niya sa harapan mismo ng mga opisyales ng Immigration.

Sumobra ang pagtingin ni Tony sa kanyang sarili, sinita pa niya ang mga Immigration offi­cers kung hindi ba siya kilala, samantalang ang dami-dami na ngang nagpaparetrato sa tabi niya?

Marami nang personalidad ang ipinahamak ng makasaysayang pagyayabang na “Hindi n’yo ba ako kilala?” Na para bang dahil napapanood nga siya sa pelikula at telebis­yon ay dapat at nararapat lang na kilalang-kilala na siya ng kahit sino.

Sa ginawa niyang kawalan ng paggalang sa mga opisyal ng BID ay kailangang ihanda na ngayon ni Tony ang kanyang sarili sa mara­ming problemang kakaharapin niya.

Taong 2016 pa siya nagtatrabaho dito sa Pilipinas, samantalang wala naman siyang working visa-permit, dahil ang hawak nga niya ay US passport bilang isang US citizen.

Turista lang siya kung tutuusin sa ating bansa, hindi siya dapat nagtatrabaho-nagnenegosyo sa Pilipinas, kahit pa parehong Pilipino ang kanyang mga magulang.

Hindi nahawakang mabuti ni Tony Labrusca ang kanyang emosyon. Init ng ulo ang kanyang pinairal dahil isang buwang ekstensiyon lang ng pamamalagi sa bansa ang itinatak sa kanya.

Pati ang lalaking kasama niya na umaawat sa kanya ay nadamay. ‘Yun daw ang kanyang karelasyon. Paano na ang maiinit na eksena nila ni Angel Aquino sa Glorious?

Nasira ang ilusyon ng marami. Nawalan ng saysay ang kanyang mga abs at namumutok na muscles. Ang lahat ng ‘yun ay nang dahil lang sa kawalan niya ng galang sa mga opisyal ng Immigration na tinalak-talakan niya.

Kung maibabalik lang sana ni Tony Labrusca ang panahon….

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with