^

PSN Showbiz

Tapatan nina Yen at Yam, mas tinutukan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Marami ang tuluyan nang nahawa sa Halik fever at talagang inabangan ang naging tapatan nina Jacky (Yen Santos) at Jade (Yam Concepcion) noong Huwebes (Nobyembre 8) kaya naman nagtala itong muli ng panibagong all-time high na national TV rating ayon sa datos ng Kantar Media.

Nakakuha ng 29.3% ang programa. Sa nasabing episode naisakatuparan ni Jacky ang hinahangad ng maraming manonood—ang makapaghiganti kay Jade. Binuhusan ng tubig ni Jacky si Jade, matapos itong mag-iskandalo sa labas ng sosyal na party kung saan sila dumalo.

Ipinahiwatig din ng mga manonood ang kanilang tuwa at suporta para sa Halik at naging number one trending topic ng Twitter sa bansa ang hashtag nitong #SalpukangHalik.

Ito rin ang pinakapinapanood na programa sa bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant. Mayroon na itong mahigit 3.86 milyong weekly views.

Huwag palalampasin ang mga maiinit na eksena sa pinaka-mapusok na teleserye sa telebisyon. Pa­noorin ang Halik gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng Ngayon at Kailanman.

vuukle comment

HALIK FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with