^

PSN Showbiz

KimXi, malabo nang mapanood?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
KimXi, malabo nang mapanood?!
Xian at Kim

Patuloy na ginugulat ni Xian Lim ang kanyang fans and supporters, at maging ang mga ordinaryong sumusubaybay sa mga kaganapan sa lokal na aliwan.

Kaaanunsyo pa lamang ng isang pelikula na gagawin niya bilang direktor at writer, heto at katatapos niyang mag-host ng Miss Grand International 2018 sa Yangon, Myanmar. 

Inimport pa talaga siya ng nasabing bansa para gampanan ang pagiging host sa paligsahan ng kagandahan na kung saan ay representative natin si Eva Patalinjug na bigong maiuwi ng korona.

Ano na nga bang plano ni Xian sa career niya rito?

Mapapanood pa ba siyang ka-loveteam ni Kim Chiu o forever na silang hindi magkakabalikan sa TV?

Regine walang konek sa Studio 7

Hindi naman talaga bahagi si Regine Velasquez-Alcasid ng bagong musical program ng GMA-7 na Studio 7. Mga bagets at nagsisimulang mga artista ang mga performer dito kaya, unfair na i-link siya sa show at sabihing nagri-rate ito kahit wala ang Songbird. Hindi naman siguro iiwan ni Regine ang network o ang Studio 7 kung may obligasyon pa siya rito.

Hindi naman siguro siya ganun ka-disloyal no!

Cora bad timing ang pagbubuntis?!

Nakakahinayang din naman si Cora Waddell, isang produkto ng PBB (Pinoy Big Brother) na pinasok na rin ang pag-aartista.

Matagal nang natapos ang episode niya sa Bahay ni Kuya pero kung kailan naman siya nabig­yan ng malaking break para magbida sa isang Re­gal movie kasama si Christian Bables at saka naman siya nagbuntis.

Bad timing ito sa kanyang karera. Tuloy walang magamit na pang- promo ng movie niya kung hindi ang mga masasarap na pagkain na ginamit sa pelikula.

Baka kapag nakapanganak na siya ay nakalimutan na siya ng publiko. Tsk. Tsk. Tsk.

Wild & Free at Glorious halos magkapareho!

Totoo pala na si Connie Macatuno din ang direktor ng Wild & Free movie nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio. Si Ms. Macatuno din ang direktor ng pinag-uusapan ngayong movie na may kissing scene nina Angel Aquino at Tony Labruska na Glorious.

Pareho ang poster ng dalawang movie. Ganundin ang teaser ng halikan, nagkaiba lamang sa presentasyon ng mainit na eksena.

Nagkaiba lamang sa pangyayaring nakaaktong maghahalikan pa lamang sina Sanya at Derrick pero, sina Angel at Tony ay naghahalikan na at nakabuka pa ang mga bibig.

Kung ang Wild & Free ay napanood sa sinehan, sa iWant naman lang available ang Glorious.

Sana iniba man lang ang presentasyon para hindi mapagbintangang nagkopyahan.

vuukle comment

KIMXI

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with