^

PSN Showbiz

Sikat na female singer binawalang magpa-sing-along ng homeowners sa kanilang subdivision

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang umpukan ang nakasanayang gawin ng isang pamosong female singer para magpalipas ng oras na kasama ang kanyang mga kaibigan at katrabaho.

Wala kasi siyang hilig mag-bar, bihirang-bihira lang niyang gawin ang ganu’n, kapag may hindi lang siya matanggihang imbitasyon ng mahahalagang kaibigan.

Mas gusto niyang sa bahay niya na lang sila nagkakantahan ng kanyang mga kapwa singers at close friends. Nag-iihaw-ihaw lang sila sa garden, kantahan lang sila nang kantahan, hanggang sa mapagod na silang lahat.

Kuwento ng aming source, “E, nakatira siya sa isang subdivision. Natural, nabubulahaw ang mga kapitbahay niya kapag nagpa-party-party sila ng mga katropa niya.

“Sabihin na nating mga kilalang singers ang nagkakantahan habang palalim na nang palalim ang gabi, e, malaking abala pa rin ‘yun sa mga kapitbahay nila!

“Nakakaloka! Nu’ng minsang inis na inis na si­guro ang isang kapitbahay niya na hindi makatulog, e, naghagis ‘yun ng kaldero sa bintana!

“Natural, umalingawngaw sa paligid ang tunog ng kaldero, malakas ang ingay, kaya napahinto sa pagkanta ang tropa. Pero pansamantala lang ‘yun, kumanta pa uli sila nang kumanta, hanggang sa isang kapitbahay niya naman ang naghagis ng mga baso!

“Basag ang mga baso! Ganu’n katindi ang inaabot ng female singer sa mga kapitbahay niya. Kasi naman, tama bang hanggang madaling-araw, e, nagkakantahan pa rin sila?

“Maiingay sila, dahil siyempre, habang nagkakantahan sila, e, nomo-nomo rin ang grupo! Inis na inis sa kanila ang mga kapitbahay ng female singer, kulang na lang na sugurin pa sila at saka talak-talakan. Kung ayaw nga naman nilang matulog, e, magpatulog naman sila!” kuwento pa rin ng aming impormante.

Nahinto na lang ang pagsasama-sama ng mga magkakabarkadang singers nang maging topic ang kanilang nakasanayan na sa isang meeting ng homeowners.

Kuwento uli ng aming source, “Sinulatan ng homeowners association ang female singer, pinagbabawalan na siyang mag-hold ng party-party sa housing galore niya.

“Kung maaga ang party nila, e, okey lang, pero kapag past ten na nang gabi, kailangang pumak-ap na sila. Akalain n’yo ‘yun? Walang-wala sa itsura ng female singer na ganu’n pala siya?

“Parang wala sa character niya ang pagiging pasaway, sa totoo lang, lagot!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Bunso na ang bininyagan Cesar pinagpipistahan sa bagong anak

It’s a tie! Dahil pinawalang-bisa na ng husgado ang kasal nila ni Sunshine Cruz ay naging malaya na si Cesar Montano sa paglalantad ng kanyang anak at karelasyon sa publiko.

Hindi kay Cesar galing ang lumabas na retrato sa social media, mula ‘yun sa isa niyang kumpare, sadya man o hindi ay pinagpistahan ang inilabas nitong picture ni Cesar at ng isang Kath Angeles at ng kanilang anak na si Kristen.

Kung matatandaan ay walang kahit anong inamin si Cesar sa isyu ng pambababae, kahit pa lumabas na ang istorya ng pagkakahuli sa kanya ni Sunshine sa isang farm house nila sa Bulacan na kasama ang babae ay tigas pa rin sa kadedenay si Cesar, kaya napuno na si Sunshine.

Bendikasyon para kay Sunshine ang paglabas ng katotohanan na may mga anak pala si Cesar sa ibang babae. Bunso ang bininyagan, tatlo ang anak nina Cesar at Kath, nagsasama pa sila ng aktres nang ipanganak ang dalawang nauna nilang anak.

Pero may punto rin ang obserbas­yon ng kaibigan naming propesor, ang sabi nito, “At least, si Cesar, annulled na ang marriage nila ni Sunshine nu’ng lumabas ang picture! Tapos na legally ang relasyon nila!

“E, si Sunshine, hindi pa nga halos umaandar ang pagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Cesar, e, ipinaparada na niya ang bago niyang boyfriend!

“Post sila nang post ng mga pictures nila, kung saan-saan sila nakikitang naglalambi­ngan, wala pang annulment nu’n, ha? At babae pa siya!

“Itong karelasyon at anak ni Cesar, e, lumabas nito na lang. Annulled na sila, tapos na ang problema, pareho na silang free!” punto de vista ni prop.

Oo nga naman.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with