^

PSN Showbiz

VM Joy walang inatrasang isyu!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
VM Joy walang inatrasang isyu!
Pinangunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang ng 4th World Pandesal Day kung saan namigay ang Kamuning Bakery ng 70,000 na pandesal

How nice naman na sinuportahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at ng kanyang running mate na si Gian Sotto ang filing ni Hero Bautista ng Certificate of Candidacy sa Quezon City office ng Commission on Elections noong Lunes.

Maagang dumating sa Comelec si Mama Joy at Gian noong Lunes at natuwa ang mga reporter kay Mama Joy dahil sinagot nito ang lahat ng mga tanong tungkol sa pagkandidato niya bilang alkalde ng Quezon City sa halalan na magaganap sa May 2019.

Ang mga emote ni Kris Aquino, two months ago, ang isa sa mga itinanong kay Mama Joy na nagpaliwanag tungkol sa malalim na samahan ng Belmonte at Aquino families.

May pralala kasi noon si Kris na kakandidato ito na mayor ng Quezon City dahil sa offensive comment ng isang basher na binigyan ng ibang kahulugan ang pagtulong niya sa mga nasalanta ng bagyo at habagat sa Marikina City.

“Si Kris, actually, kaibigan ko mula pa sa pagkabata namin, mula elementary hanggang high school hanggang college. Kami ay magkasama sa school.

“Alam naman ng lahat na ‘yung aming mga magulang din ay malapit sa isa’t isa. Ang nanay ko, bestfriend ng nanay niya.

“Sa tingin ko, hindi totoo na balak niya akong labanan. Hindi totoo yun,” ang malinaw na explanation ni Mama Joy na nasangkot sa isang isyu na wala siyang kinalaman.

Itinanggi rin ng future Mayor ng Quezon City ang mga pang-iintriga na banned si Kris sa mga diyaryo ng PhilSTAR Media Group dahil sa patutsada ng former TV host-actress sa Twitter noong August 2018.

Sa mga hindi nakakaalam, tunay na magkapatid ang turing sa isa’t isa ng mga nanay ni Mama Joy at Kris noong nabubuhay pa sila.

Natatandaan ko na si Tita Betty Go-Belmonte ang gumanap na Cory Aquino sa annual Gridiron ng National Press Club nang maging presidente ng Pilipinas ang nanay ni Kris. Perfect na Cory Aquino si Tita Betty dahil magkahawig sila at talagang mapagkakamalan na magkapatid.

Ang Gridiron Night ang annual dinner ng mga member ng NPC at special guest ang presidente at ang mga VIP sa pamahalaan niya.

Samantala, pinangunahan ni Mama Joy ang pagdiriwang ng 4th World Pandesal Day kung saan namigay ang Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Flores ng 70,000 na pandesal . Successful ang pamimigay ng pandesal dahil sa rami nang pumila.

Andi biglang kambyo sa pagbabu sa showbiz

Pinabulaanan kahapon ni Andi Eigenmann sa presscon ng All Souls Day na semi-retired na siya sa showbiz.

Nagkataon lang daw na madalas ang pamamalagi niya sa Siargao dahil may business sila dito ng kanyang boyfriend pero lumuluwas siya ng Maynila kapag may mga offer na pelikula at guesting.

Ang bahay ng mga Vera-Perez sa Valencia St. ang venue ng grand presscon ng horror movie at Halloween presentation ng Viva Films.

Matagal nang hindi nagkakaroon ng presscon sa mansion ng mga Vera-Perez kaya nanumbalik sa akin ang nakaraan nang pumasok ako sa bahay na piping saksi sa mga kuwento at eksena ng mga sikat na artista na contract stars ng Sampaguita Pictures, ang number one movie company noon.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with