^

PSN Showbiz

Vice, misyonaryong foreigner ang bagong kinahuhumalingan

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Vice, misyonaryong foreigner  ang bagong kinahuhumalingan
Vice

Biglang sikat ang escort lang sana ng mga kandidato sa Miss Q&A na si Greg Haw­kins. salamat sa isang Vice Ganda na una nang pinasikat si Ate Girl o Jacque Gonzaga sa unang season ng Miss Q&A. Guwapo si “Kuya” kaya agad na-attract si Vice. 

Half American, half-Korean ang bagong pantasya ni Vice na mas kapani-paniwala dahil lalaki siya at hindi girl na tulad ni Jacque. Isa siyang misyonaryo ng mga Mormons kaya mabilis natuto ng lengwaheng Pilipino. May taas siya ng 5’ 10” at 25 taong gulang. Isa siyang college graduate at gustong mag-pursue ng karera sa showbiz sa ilalim ng management ni Lito de Guzman.

Jolo naging composer dahil kina Jodi at Rhian

Gumagawa pala ng kanta si Vice Go­vernor Jolo Revilla? Mayro’n daw itong ki­nompos na isang kanta para kay Jodi Sta. Maria pero, ma-appreciate kaya ito ng ex niya kapag nalaman nito na binigyan din niya ng kanta si Rhian Ramos? Balitang after Jodi ay ang Kapuso actress naman ang sinasabing pi­na­kamalapit na babae sa puso ng aktor/pulitiko. Mapunta kaya ang closeness nila sa romansa?

Albie pinanghihinayangan kapag walang ganap

After Pusong Ligaw, muli na namang mapapanood sa isang mahabang role sa isang tele­serye ang magaling na kabataang ar­tista na si Albie Casiño. Ma­rami ang naiinip at nanghihinayang kapag idle siya dahil magaling siyang artista at nasasayang ang kanyang talento. Buti na lang at na-cast siya sa Los Bastardos ng ABS-CBN. Mapa-bida man o kontra­bida, ma­papasabak sa ga­ling niya ang sino mang ma­kakasama niya.

Sharon pinatunayan ang yaman

Hindi matapus-tapos na pag-usapan yung ginawang pagbibigay ni Sharon Cuneta ng diamond studded bracelet kay Vice Ganda.

Hindi maipagkakaila na hindi mumurahin ang regalo dahil kumikinang, saan man ito tamaan ng liwanag. Galing naman magpa-thank you ni Mega. Muli, pinatunayan ni Sharon kung gaano siya ka-rich.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with