^

PSN Showbiz

Double R nagpapaalipin, parang bakla pag nagmahal!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kilalang-kilala na ang isang female perso­nality, kung ganda ang pag-uusapan ay kayang-kaya niyang makipagsabayan sa kahit sino d’yan, pero kung magmahal pala siya ay parang wala nang bukas.

?Kaya naman pala maraming nahuhumaling sa kanya, kaya naman pala palagi siyang pinapangarap na makarelasyon ng mga nakakatrabaho niya, kalat na pala ang kuwento kung paano siya humawak ng isang relasyon.

?Kuwento ng isang source na nakakakilala sa magandang female personality, “Naku, baklang-baklang magmahal ang babaeng ‘yun! All mine to give talaga siya! Grabe siyang magmahal, daig pa niya ang kasambahay!

?“Ano bang humahagok pa siya sa pagod at antok na antok dahil sa dami ng work niya? Wala sa kanya ‘yun, kaya niyang magsakripisyo, mapaligaya lang niya ang taong mahal niya.

?“Para siyang slave kung magmahal, ginagawa niya ang lahat-lahat, basta mapasaya lang niya ang taong itinuturing niyang hari ng buhay niya. Ibang klase siya, baklang-bakla talaga siyang magsilbi sa karelasyon niya!” natatawang komento ng aming impormante.

?At hindi makapapayag ang mga taong close sa kanya na bigyan siya ng titulong user at gold digger dahil siya pala ang very generous sa karelasyon niya.

?Patuloy ng aming source, “Naku, never siyang naging user! Never din siyang nagsamantala sa boyfriend niya. Hindi siya bilmoko! Siya ang nang-i-spoil ng boyfriend niya, sa totoo lang!

?“’Yun ang dahilan kung bakit hindi sila nagkakaintindihan ng family niya. Alam na alam na kasi ng mga kapamilya niya ang kartada niya sa pakikipagrelasyon. Bulsa niya ang nalalaslas, hindi ang bulsa ng boyfriend niya.

?“Pinagpapayuhan nga siya ng mga friends niya, e! Sa ganda niyang ‘yun, e, hindi na niya kailangan pang ma­ging generous. Face value pa lang niya, e, puwede na niyang puhunan, trophy na siya ng guy kung tutuusin.

?“Pero ‘yun siya talaga, e! Naturalesa na niya ang pagiging spoiler, henerosa talaga siya para lang mapasaya ang mahal niya. Pagod na pagod na siya sa kawo-work, pero nakukuha pa niyang ipagluto ang kanyang mahal.

?“At kapag nagsi-shopping sila, e, swipe lang nang swipe ng credit card niya ang girl, kaya napakasuwerte ng mga nakakarelasyon niya! Beautiful na siya, baklang-bakla pang magmahal!

?“Ibang klase talaga si double R! Siya na nga talaga! Uwian na, may nanalo na!” pagtatapos ng aming humahalakhak na source.

?Ubos!

Ynez wagas ang panlalait kay Tina Paner

Puro pintas at panglalait ang inaani ngayon sa social media ng sexy star na si Ynez Veneracion. Nagpakataklesa kasi siya, tinawag niyang bansot at babalina ang nananahimik na si Tina Paner, kaya ano ang napala niya?

?Nagpa-picture kasi ang sexy star at si Monching Gutierrez, may nangantiyaw sa kanya nang i-post niya ang retrato, “Naku, baka may magselos!”

?Ang mabilis na reaksiyon ng mortal na kaaway ng negosyanteng si Kathy Dupaya, “Di naman sigu­ro, may bansot at babalina naman siyang BFF!”

?Kung makabansot at makababalina naman si Ynez Veneracion! Kailangan siguro nating regaluhan ng salamin ang babaeng ito para titigan muna niyang mabuti ang kanyang itsura ngayon bago niya parunggitan si Tina Paner na bansot at babalina.

?Sa totoo lang, sa biglaang tingin ay hindi agad makikilala si Ynez dahil sa dami na ng mga turok niya sa mukha, namamaga ang kanyang pisngi at kumitid na nang kumitid ang kanyang ilong.

?Halatang-halata ang pagiging salamat po, doktor ng sexy star, bulag lang ang magsasabing natural na ganda ang meron siya ngayon, baka nga kahit ang ex niyang si Mon Confiado ay hindi rin siya agad nakilala nang magkita sila pagkatapos nang mahabang panahon.

?Naku, huwag na huwag lang sanang magkrus ang landas ni Ynez Veneracion at ni Tita Daisy Romualdez na kinagisnang ina ni Tina Paner, dahil siguradong makikita ng sexy star na ito ang ayaw niyang makita.

?Promise!

vuukle comment

TINA PANER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with