^

PSN Showbiz

Dominique hindi pinaligtas ng lamok, na-dengue

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dominique hindi pinaligtas  ng lamok, na-dengue
Gretchen at Dominique

Kahit sobrang sosyal

Kahit talaga super yaman ka, sobrang linis at maselan sa katawan, pag kinagat ka ng lamok (na may virus) wala kang magagawa. Na-dengue ang anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique at kasalukuyan pa itong nagpapagaling ayon sa video post mismo ni Gretchen.

Sa London nagtapos ng fashion design si Dominique at hindi mo naman sasabihing nagpupunta ito sa mga lugar na puwedeng tirahan ng mga lamok o lugar na hindi nalilinis na maaring pamugaran ng mosquito, pero na-dengue na nakakamatay pag hindi naagapan.

“Love & support for my little one @dominique it has been one hell of a ride the past 2 weeks , on & off fever etc. she is now recove­ring from dengueshoutout to my angels @mimiyque @pattympineda @wenago @mirandanats & the kids for all the love st. Lukes global emergency room & the whole staff 16th floor. Thank you so much you can tell , my eyes says it all. I am needing some sleep st. Lukes global has been our home for the past few days,” sabi ni Gretchen sa kanyang post kahapon.

Ayon sa mga report, tumaas ang dengue cases sa bansa dahil nga sa walang tigil na pag-ulan.

 GMAAC stars, sasabak uli sa exclusive workshops

Muling sasailim sa panibagong set ng workshops ang mga talents ng GMA Artist Center sa pagbabalik-Pilipinas ng international acting coach na si Anthony Vincent Bova.

Matapos ang kanyang pagbisita noong Pebrero, ang New York City professional acting teacher katuwang ang kanyang co-teacher at ang aktres na si Anna Feleo ay magbibigay ng ‘Empowerment’2 training, na nakatuon sa “emotional & psychological alignment for peak performance” ng mga artista.

Babalik si Bova sa January 2019 upang magsagawa ng culminating acti­vity kung saan maipapakita ng mga artista ang kanilang mga natutunan sa loob ng isang taon sa ilalim ng Anthony Vincent Bova training program.

Bukod sa pagiging isang aktor, manunulat at direktor, si Bova ay protégé ng tanyag na coach sa pag-arte na si Eric Morris. Si Morris ay nagturo din sa  ilang batikang aktor sa Pilipinas, tulad nina Laurice Guillen, Johnny Delgado, Leo Martinez, Michael de Mesa, at Joel Torre.

 Kathniel, Maja, Echo, kabilang sa mga International Stars sa pinakamalaking media event sa Thailand

 Muling gagawa ng ingay sa international scene ang Kapamilya stars na sina Kathryn Ber­nardo, Daniel Padilla, Maja Salvador, at Jericho Rosales sa nalalapit nilang paglipad patungong Thailand ngayong Agosto upang daluhan ang isa sa pinakamalaking media events ng JKN, ang leading media company ng naturang bansa.

Imbitado nga ang apat na pumunta sa JKN Diamond Blue Mega Showcase, ang event kung saan ipinapakilala ng media company ang bituin ng mga palabas na ina-acquire nito. Bukod sa showcase, isang salo-salo rin ang kanilang dadaluhan kasama ang CEO ng JKN na si Anne Jakkraphong at iba pang international celebrities.

Kasalukuyan pa rin ngang umeere sa Bright TV ng Thailand ang pinagbidahang serye ng KathNiel na Pangako Sa’Yo at nina Maja at Jericho na Bridges of Love, na parehong patok sa Thai viewers.

Lalo ring mag-iinit pa ang suporta para sa Kapamilya stars sa Thailand dahil naghahanda na ring ipalabas doon ang iba pang programa nila gaya ng The Promise Of Forever, Magpahanggang Wakas, La Luna Sangre  at Wildflower.

Mamamayagpag ang Kapamil­ya shows sa ibang bansa at napapanood ng ibang lahi dahil sa ABS-CBN International Distribution.

John at Pancho pahihirapan si Alden

Inaabangan ang pagsisimula ng primetime series ni Alden Ri­chards na mapapanood simula July 30 sa GMA Telebabad kung saan makakasama sa bagong Kapuso telefantasya ang mga karakter na base sa Norse gods and goddess.

Si John Estrada ang gaganap na main villain na si Loki. “Siya ‘yung diyos ng manlilinlang. Deception ‘di ba? Doon magaling si Loki,” kuwento ng aktor tungkol sa karakter na kanyang gagampanan. 

Gaganap ding kontrabida si Kapuso actor Pancho Magno bilang si Modi, ang Norse God of Battle na anak ni Thor. Babalik din siya sa kasalukuyang panahon dahil nais niyang makuha mula kay Victor ang war hammer o Mjolnir ng kanyang ama mula kay Victor. “Parang naiinggit ako. Bakit siya napunta sa isang mortal?” ani Pancho tungkol sa motivation ng kanyang karakter.

Si Andrea Torres ang Norse goddess na si Sif, ang asawa ni Thor.

 “Kailangan niya ulit kumilos para gabayan at bantayan ang bagong magiging tagapagmana ng martilyo ni Thor,” paliwanag ng concept creator ng serye na si Jules Katanyag.

Excited na nga si Alden sa nalalapit na pagsisimula ng Victor Magtanggol. “I’m very happy with the story, with everything about Victor Magtanggol and with the cast and the team behind it,” ayon sa isang interview kay Alden.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with