^

PSN Showbiz

Charo, Marian at Bea hindi tinalo ng MMFF

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Charo, Marian at Bea  hindi tinalo ng MMFF
Charo at Marian

Mukha namang hindi favoritism ang umiral sa mga bumubuo ng screening committee ng MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018 na pumili sa unang apat na makakasali sa taunang pista ng pelikula.

Hindi lamang naman ang movie na nagtatampok kay Marian Rivera ang naitsa-pwera kundi maging ang pagtatampukan nina Charo Santos at Bea Alonzo.

Sa kanilang tatlo pa lamang ay mahihinuha nang malalaki ang mga gagawin nila at kung bakit hindi ito pumasa sa panlasa ng mga itinalagang pumili ng pelikulang makakasali ay sila lamang ang nakakaalam. Buti at tinanggap ng maayos ng mga prodyuser ng movie ng reyna ng GMA at sinabi na lamang na mas makakabuti dahil maipalalabas nila ang movie bago pa ang MMFF.

Ewan kung ganito rin ang kahahantungan ng pelikula ng dalawang Kapa­milya.

Maris si Inigo ang pinaaamin sa kanilang relasyon

Marami ang hindi makapaniwala na officially dating pa lamang sina Maris Racal at Inigo Pascual. Sa mga ikinikilos nila ay walang makapagsasabi na hindi sila. Tanging si Maris lamang na umaming nagsabi na ng I love you sa kanya ang anak ni Piolo Pascual na sinagot naman nito ng I love you, too.

Nalinaw nito ang mga maling bintang sa kanya na lesbyana siya at nakikipagrelasyon sa kapwa niya babae dahil masyado siyang attached at close sa mga kaibigan niyang babae na sina Sue Ramirez at Bela Padilla at bago sila ay si Loisa Andalio.

Andi dedma na lang sa hiwalayan nila ng dyowa

Hindi naman nagbabago ang mood ni Andi Eigenmann kahit wala na pala silang relasyon ni Emilio Arambulo. Nagbago na nga marahil ang pagtanaw niya sa buhay kasabay ng pag-simple ng kanyang mga adhikain.

Sa halip na malungkot sa pagkawala ng isang minamahal, masaya ang ak­tres na muling mabalikan ang kanyang pag-aartista na makakatulong para maipagpatuloy niya ang kanyang simpleng pangarap na manirahan na sa Baler, Quezon sa sarili niyang bahay at sa pagpapatayo ng isang transient home para sa mga biyahero na kung maaari ay nag-iisa, silang dalawa lamang ni Ellie pero, sa kalaunan ay mapagtatanto niya na no man is an island, kailangan niya ng mga makakatulong para sa pagpapatupad ng kanyang pangarap.

Fans ni Maine ayaw tantanan sa pambo-boycott si Alden

Tingnan nga natin kung gaano talaga kalakas at kadami ang mga suppor­ters ni Maine Mendoza para maapektuhan nila sa pamamagitan ng boycott ang serye ni Alden Ri­chards sa GMA.

Gaano ba sila karami para maisakatuparan ito? Kaya ba nilang talunin ang napakagandang promo na ginagawa ng Kapuso Network para mapasikat ang serye? Ano ba ang kasalanan ni Alden sa kanila eh, di ba si Maine ang dahilan ng pagkakabuwag ng AlDub? Kay Coco Martin ba ay ‘di sila magagalit kapag tinanggihan nitong makapareha si Maine?

Sofia ayaw lumipat sa iba

Ikatutuwa ng maraming supporters ni Sofia Andres na hindi pala niya iiwan ang ABS-CBN. Marami ang nag-aakala na dahil sa mga mali at masasamang balita tungkol sa kanya at sa pagkakawala ng karakter nito sa Bagani ay maiisipan na niya ang magbago ng network pero sinabi ng aktres na mananatili siya bilang Kapamilya at dito niya ipagkakatiwala ang kanyang karera.

vuukle comment

CHARO SANTOS

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with