^

PSN Showbiz

Bong target victim lang?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong target victim lang?!
Bong

Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na kapag may kalungkutan, may kapalit na kaligayahan. So sad ako noong Miyer­kules dahil sa mga narinig ko na testimonya ng witness at ng whistle-blower na si Marina Sula nang tumestigo ito sa First Division ng Sandiganbayan tungkol sa PDAF scam na ibinibintang kay Bong Revilla, Jr.

Lungkot na lungkot ako sa mga sinabi ni Sula na hindi niya nakita na tumanggap ng pera si Bong mula kay Janet Napoles, hindi niya nakita na nagpunta si Bong sa opisina nila sa Pasig City etcetera.

Nalungkot ako dahil hindi pala niya nakita si Bong na may business transaction kay Napoles, bakit nakakulong pa rin si Bong? Bakit apat na taon na ang pagdurusa niya?

Nasagot ang mga tanong ko noong Huwebes dahil sa surprise turn of events dahil may pasabog pala si Sula na nagpaiyak kay Bong, sa misis nito na si Lani Mercado at sa ibang mga tao sa loob ng korte.

Si Sula ang witness ng prosecution pero noong Huwebes, tahasan na sinabi niya na ang whistle-blower din na si Benhur Luy ang kanyang nakita na nag-forge ng signature ni Bong sa mga letter of endorsement para sa mga NGO na sinusuportahan ni Napoles.

Nawindang ang mga dumalo sa hearing sa reve­lation ni Sula nang papiliin siya ng mga dokumento na pinirmahan umano ni Bong .

“Lahat ng limang dokumentong ito ay nakita ko na si Benhur Luy ang pumirma...

“Ngayon ko lang sinabi ito, kasi ngayon lang naman tinanong sa akin kaya naluluha ako ngayon kasi nailabas ko na ang katotohanang ito na kinimkim ko ng ilang taon,”ang sabi ni Sula.

Nang tanungin kung bakit noon lamang niya sinabi ang kanyang mga nalalaman at ang katotohanan, sumagot si Sula ng “Sinabihan po ako ng panel na mag-corroborate lang daw ako sa testimony ni Benhur Luy dahil kung hindi masisira ang kaso, kahit na marami po siyang mga sinabi na hindi totoo. Si Director Toribio ng panel ni Revilla sa Ombudsman… tinuturuan po niya ako kung paano sumagot.

“Ngayon lang po ako nabigyan ng pagkakataon na masabi ang nalalaman ko. Nagsasabi lang ako ng totoo,” ang deklarasyon ni Sula.

O di ba, parang sa pelikula ang eksena? Ang pagkakaiba lang, totoong-totoo ang mga eksena sa kuwento na si Bong ang bida at biktima pero nanalig siya sa Diyos na hindi talaga natutulog.

Nakakaiyak naman talaga ang mga salaysay ni Sula na mabuti na lang, nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang katotohanan.

Baka inusig si Sula ng kanyang konsyensya dahil kung hindi niya sinabi ang totoo, may isang inosente na magdurusa dahil sa isang kasalanan na hindi naman niya ginawa. Kung pinili ni Sula ang pagsisinungaling, sigurado na forever na uusigin siya ng konsyensya niya.

Dahil sa mga nangyari sa hearing noong Huwebes, lalong nabuo ang mga hinala na talagang naging target victim si Bong at malaki ang kinalaman ng pulitika.

Naging emosyonal si Lani Mercado sa mga pahayag ni Sula dahil saksi siya sa lahat ng mga pagdurusa na nararanasan ni Bong na naging biktima ng mga mapanghusga.

Bilib ako kay Lani dahil woman of strength siya. Hindi nawala ang pag-asa niya na darating ang araw na lalabas din ang katotohanan at magkakaroon ng hustisya ang nangyari kay Bong.

vuukle comment

JR

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with