^

PSN Showbiz

Sharon at Anne nagtuos!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon at Anne nagtuos!
Boss Vic, Anne, Sarah, Regine, at Sharon

Mga superstar ng Viva nagsama-sama sa pakikiramay kay Boss Vic

Nagkasabay-sabay sa pakikiramay sa family ni Boss Vic del Rosario ang mga superstar ng Viva Group na sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Anne Curtis and Sarah Geronimo last Saturday night.

Super rare chance na nagkasama-sama ang apat sa isang frame with their manager/mentor na si Boss Vic.

Last June 6, namatay ang mother ni Boss Vic, si Mrs. Adelaida R. del Rosario, 96 years old. Ginanap ang inurnment yesterday at birthday niya sana last Saturday, June 9.

Condolences to the family of Boss Vic.

Anyway, naging chance na rin ‘yun para magtuos ang dalawang nag-aagawan sa Korean actor na si Gong Yoo. Naunang naadik si Anne sa Korean superstar at si Sharon, at hindi pa gaanong natatagalan pero sobrang hooked na ito. As in super ang pagkabaliw niya sa Korean superstar. “Mrs. Erwan Heussaff and Mrs. Sharon de Gong Yoo. Malinaw na mali­naw na. Sa wakas, nagkita at nagtuos na rin kami ni @annecurtissmith! Tanggap na niya na ako ang talagang mahal ni Gong Yoo (Uy. Hala.). Kasi inexplain ko sa kanya ng mabuti. Sabi ko, i-enjoy muna niya ang pagiging bagong kasal, at ibigay na niya muna sa akin ang next 20-40 years tapos siya na kay Gong Yoo. Kasi sure naman kami na mauuna akong magmukhang raisin sa kanya kaya pagbigyan na muna niya ako at ibe-bless siya ni Lord! Ayan, pinakitaan ko ng pictures ng standee ni Gong Yoo at ng picture “naming” dalawa. Walang tututol, baka masaktan ko kayo. At hindi. Hindi kami ni Robin ang nasa picture at pinalitan ang mukha nya ng mukha ni Oppa! Nyahahahahaha! Hahahaha! Am so happy I saw Anne but why naman in the wake of Boss Vic’s Mommy? Never mind. I’m sure Mommy del Rosario is so happy cos para ka­ming nagreunion ng Viva family ko. Love you, Anne!!!!!! ,” sabi ni Ms. Shawie sa ‘pagtutuos’ ng dalawang Mrs. Gong Yoo.

vuukle comment

ANNE CURTIS

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with