^

PSN Showbiz

Magkarelasyon tuloy ang pagpapapansin, nagpapanggap lang na gustong magka-pribado

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sabi’y nagtatago ngayon ang kontrobersiyal na magkarelasyon. Sabi’y iwas na iwas sila sa mga reporters, sa mga matataong lugar, dahil kapribaduhan ng kanilang pagmamahalan ang gusto nilang mangyari.

Nu’ng una ay parang nagagawa naman nilang pribado ang kanilang relasyon, hindi sila masyadong nakikita sa mga pampublikong lugar, pero nitong mga huling pagkakataon ay kung saan-saan na sila nakikita.

Kuwento ng isang source, “Nakakatawa ang magkarelasyong ‘yun, sabi sila nang sabi na gusto lang daw nilang maging private ang kung anumang meron sila, kaya umiiwas sila sa mga reporters.

“Pero hindi naman nila ginagawa ang mga sinasabi nila, madalas naman silang nakikita sa kung saan-saan, lalo na du’n sa city na pinagtataguan kuno nila.

“Tama bang isang hatinggabi, e, magpunta sila sa isang convenience store na akala mo mga magnanakaw na naka-jacket nang sobrang kapal na may hoody pa? Yes! Terno pa sila ng suot, ha?

“Kapag ganu’ng nagtatago ng mukha ang kahit sino, lalong nagiging cu­rious ang mga tao sa paligid dahil nandu’n ang nerbiyos, di ba? Baka nga naman kasi may planong gawin na hindi kagandahan ang mga ganu’ng tao!

“Ayaw nilang pinakikialaman ang lovelife nila, iwas na iwas sila sa mga reporters, pero saan ka? Pakalat-kalat naman sila, kung saan-saan sila nakikita, nagpapanggap nga lang sila!

“Nu’ng minsan naman, e, para silang mga bisita sa isang children’s party na may suot pang sombrero. Kulang na nga lang na humawak pa sila ng lobo para kunwari, e, nasa party sila ng mga bata!

“Ano ba naman ‘yun? Trip-trip lang, ganu’n? Kung anu-ano na talaga ang ginagawa nila ngayon para lang makaiwas sa publiko, pero saan ka, sila rin naman ang naglalagay sa sarili nila sa alanganin!

 “Tama bang may pa-disguise-disguise pa sila? Nagmumukha lang tuloy silang mga ewan sa mga ginagawa nila. nakakaloka talaga ang mga taong ‘yun!

“Ayaw na ayaw nila na kinukunan sila ng video, pero pakalat-kalat naman sila sa kung saan-saan! At pinagtitripan din nila ang mga tao sa paligid nila kapag ang duda nila, e, kinukunan sila ng video!

 “Kung totoong privacy ang hanap nila, e, manahimik sila sa mga lungga nila, huwag silang magpunta sa kung saan-saan, para magkatotoo ang pangarap nilang privacy kuno!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Famas klinaro ang panlalaglag kay Vic

Naging ugat ng pagtatalo at pagpapalitan ng mga salita nina Vice Ganda at kasamang Gorgy Rula ang espesyal na parangal na ihahandog ng FAMAS para sa komedyante.

Hindi lang naman ang kolumnista ang nagtatanong, marami pang iba, kung bakit si Vice Ganda ang tatanggap ng Dolphy Memorial Award at hindi si Bossing Vic Sotto.

Sino raw ba ang pumili ng paghahandugan ng award? Ang pa­mu­nuan ba ng FAMAS o ang mga anak ng namayapang Hari Ng Komedya?

Sa pamamagitan ng manager ni Direk Eric Quizon na si Tita Dolor Guevarra ay nakuha namin ang mga detalye ng proseso kung paano at bakit si Vice Ganda ang napiling pagbigyan ng Dolphy Memorial Award.

Nakipag-usap pala ang pangulo ng FAMAS kay Direk Eric Quizon para magpaalam tungkol sa espesyal na parangal. Walang problema, sabi naman ng aktor-direktor, sinu-sino raw ba ang mga personalidad na pamimilian?

Nang isa-isa nang banggitin ng pangulo ng institusyon nang FAMAS ang mga pangalan sa listahan ay wala ang pangalan ni Bossing Vic Sotto.

Muling tanong ni Direk Eric, sino ba ang palagay ng FAMAS ang tatanggap ng award, ang sagot naman ng pangulo ng award-giving body, sa survey daw ng ginawa ng grupo ay si Vice Ganda ang nanguna, kaya sa komedyante-TV host nila ihahandog ang Dolphy Memorial Award.

Malinaw ang kuwento. Wala ang pangalan ni Bossing Vic Sotto sa listahan. Si Vice Ganda ang nanguna sa kanilang survey. Hindi ang mga anak ng Comedy King ang pumili ng paghahandugan ng award.

vuukle comment

FAMAS

VIC SOTTO

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with