^

PSN Showbiz

Paalala ni Boy Abunda ‘Bashing can cause cancer’

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paalala ni Boy Abunda �Bashing can cause cancer�
Boy

PIK: Si Kuya Boy Abunda ang isa sa umayon sa paniniwala ni Maricel Soriano na mas mabuting walang social media para ma-maintain pa rin ang privacy.

Meron lang daw isang social media account ang King of Talk, ang fan page niyang Boy Abunda Official dahil nagagamit lang daw niya iyun sa mga show niya at projects. Pero hindi raw siya ang tipong lahat ay idadaan sa social media.

Pero sa kabila nito, nakakatanggap pa rin daw siya ng mga bashing.

Kailangan marunong ka raw mag-handle ng mga basher dahil naniniwala siyang ang bashing ay nakaka-cancer.

Ani Kuya Boy; “Ang dami ko nang laban na pinagdaanan sa buhay ko. Sarili kong laban, laban ng pamilya ko, laban ng kaibigan ko, laban ng iba. Nakakapagod. At palagay ko walang mas nakakapagod makipaglaban sa mga taong hindi mo kilala.

“Pangalawa, at this point in my life I’m matured enough to know who I am, what I do right and what I do wrong.

“Hindi ko na masyadong kailangan ng bashers or friends to tell me that. Of course, once in awhile you validate your own opinions.

“Bashing can cause cancer.”

PAK: Kahit masasabing late na, may aksyon pa rin ang Director’s Guild of the Philippines, Inc. o DGPI kaugnay sa harassment na nangyayari sa showbiz.

Wala naman silang tinutukoy na kaso ng harassment pero aware naman ang karamihan na meron naman talagang nangyayaring harassment sa pagitan ng direktor at ng ilang artista o staff. Pag­hahanda lang daw ito kung sakali na maiwasan lang ang #MeToo movement na nangyari sa kaso ni Harvey Weinstein sa Amerika.

Narito ang bahagi ng statement na inilabas ng DGPI; “The board of DGPI is crafting a revised Code of Conduct and will forward this to all our members. We believe that this can aid the industry into achieving a safer, more equitable and accountable workplace for everyone involved in the entertainment industry.

“We support and encourage victims to go to the proper venue of filing legal cases. Due process for both the victim and the accused is a necessary step. Needless to say that guilt or innocence must not be assumed by any group and that judgments are reserved only for the legal courts.”

BOOM: Hindi sinadyang nagkita kami ni Mark Anthony Fernandez sa tanggapan ng Dickies Phi­lippines na ini-endorse niya at naging kaibigan na rin niya.

Kaagad na kinumusta niya sa amin ang ninang niyang si Manay Lolit Solis, dahil hindi pa raw sila nagkita o nagkausap magmula nung na-acquit ang mga kaso niya at nakalabas ng kulungan.

Kaya tinawagan namin si Manay Lolit para magkausap sila. Hindi napigilang maging emotional si Manay Lolit nang magkausap sila ni Mark sa telepono at kaagad na ipinost nga niya ito sa kanyang Instagram account.

Dalawang pelikula raw ang gagawin ni Mark Anthony sa Viva Films.

Ang isa ay makakasama si Claudine Barretto, at ang isa ay remake raw ng pelikula ng Papa niyang si Mark Anthony Fernandez. Kaya thankful siya sa suporta ng lahat sa kanyang pagbabalik.

Aware si Mark sa ilang artistang nagbabalik pagkatapos magpa-rehab kagaya ni JM de Guzman at kapapasok lang uli na si Baron Geisler.

Ang payo ng aktor sa kanila; “Unang-una, kapit kay Lord. Laging magdadasal, number one ‘yun.

“Number two, kailangan mahalin nila ang trabaho nila, para mahalin din sila ng trabaho nila. Saka cool lang, relax lang. Kumbaga sa basketball, let the ball come to you.”

vuukle comment

BOY ABUNDA

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with