^

PSN Showbiz

Alden hindi ginawang big deal ang pambabastos ng friend ni Maine

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden hindi ginawang big deal ang pambabastos ng friend ni Maine

Alden

Deactivated ang Twitter account at disabled ang comments sa Instagram account ni Juancho Trivino pagkatapos humingi ng public apology kay Alden Richards at sa lahat ng mga na-offend sa bad finger sign niya sa litrato ng bagong celebrity endorser ng Cookie’s Peanut Butter.

Kahit nag-sorry na si Juancho, imbyerna pa rin sa kanya ang fans ni Alden na pinaratangan siya na user at hindi sikat.

Tanggap naman ni Juancho na nagkamali siya kaya knows niya ang resulta ng kanyang ginawa. Matinding aral ang natutunan ni Juancho na bunga ng kanyang hindi pinag-isipan na aksyon.

Binura na raw ng friend ni Juancho ang video ng bad finger sign niya sa picture ni Alden.

Kahit na-delete na ang video, viral na ito kaya mahirap nang mawala sa Internet. Mabilis na kumalat ang video na pinagpasa-pasahan ng fans na wagas ang pagtatanggol kay Alden na biktima na naman ng isyu, kesehodang nananahimik siya.

Dapat tanungin ni Juancho ang sarili kung kaibigan ba niya talaga ang nag-upload ng video dahil kung tunay na kaibigan ‘yon, hindi siya ipapahamak. Si Alden ang nag-convince sa manufacturer ng Cookie’s Peanut Butter na ilagay sa market ang produkto nila.

Personal favorite ni Alden ang Cookie’s Peanut Butter dahil ito ang kinakain nila sa bahay at ginagamit sa mga pagkain sa kanyang restaurant business, ang Concha’s.

Pinapapak ni Alden ang Cookie’s Peanut Butter dahil wala itong preservatives at mayaman sa protina.

Alam n’yo ba na peanut butter ang nilalantakan ng mga tao na nagpa-practice ng Ketogenic Diet kaya perfect ang brand ng peanut butter na iniendorso ni Alden.

Opisyal na ipinakilala kahapon si Alden bilang celebrity endorser ng Cookie’s Peanut Butter.

Mula sa Eat Bulaga, dumiretso si Alden sa presscon ng new product endorsement niya.

Hindi naman nainip sa paghihintay ang entertainment writers dahil maraming pakulo ang PR na si Chuck Gomez.

Bukod sa raffle prizes, may premyo si Chuck para sa early birds at siyempre, win ako dahil ako ang pinakamaaga na dumating sa press launch ng Cookie’s Peanut Butter.

Siyempre, tinanong si Alden tungkol sa ginawa ni Juancho Trivino.

Ikinuwento ni Alden na nakita niya ang video noong Linggo pero nag-sorry na nga si Juancho.

Dahil true gentleman at edukadong tao si Alden, hindi big deal sa kanya ang isyu. Hindi naman kasi ang tipo niya na magpapaapekto sa mga isyu ng katsipan. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with