^

PSN Showbiz

Baron ayaw pang palabasin ng kulungan ng mga kapatid!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Baron ayaw pang palabasin   ng kulungan ng mga kapatid!

PIK: Nasa plano na pala ni Gabby Eigenmann na pasukin ang pagdidirek. Pero baka matagal-tagal pa raw iyon dahil marami pa naman siyang ginagawa bilang aktor. Kagaya nitong Con­tessa na magsisimula na sa March 19 para sa afternoon drama ng GMA 7. Pero sabi raw ng asawa niyang si Apples, eventually magtatrabaho rin daw siya sa likod ng kamera dahil nakikita naman kay Gabby ang passion sa movie and TV industry.

Kuwento ni Gabby sa presscon ng said series, nung minsang nagbakasyon daw sila ng pamilya niya sa Amerika, napag-isip-isip na raw niyang mag-enroll ng crash course on Filmmaking sa New York, pero hindi siya natuloy. Pero pag-aaralan daw niya talaga itong pagdidirek.

Saad ng Kapuso actor; “Pag pumasok na ako sa pagdidirek, ang main concern ko, sino ang ididirek ko? Kasi, when it comes to acting, I get impatient. So, what more pag magdirek ako, hindi ako ma-satisfy ‘di ba?”

May naiisip na raw siyang gustong idirek at gusto niya ay mga kapamilya niya ang artista.

“Kung magdidirek man ako, I would want to direct the family. Kasi hindi ko na kailangang i-explain sa kanila kung ano ang dapat gawin,” sabi pa ni Gabby.

PAK: Sa gitna ng isyu ng fantaserye na Bagani sa NICP o National Commission on Indigenous People, nagpahayag naman ng suporta ang Governor ng Ilocos Norte na si Imee Marcos dahil sa lugar pala nila sa Ilocos nag-taping at sobrang ganda raw ng kanilang lalawigan.

Ani Gov. Imee Marcos; “No offense to the Manobos. They shot in Ilocos Norte, I was thrilled by the beauty of the province. The cinematography is awesome. It’s a gorgeous show.

“Once again, no offense to our cultural minorities, just in terms of production values, extraordinary. And my province looks beautiful. Ang ganda ganda ng Ilocos Norte sa Bagani.”

Kaya suportado raw nila ito dahil sabi pa nga ni Gov. Imee, “fully supported namin ang Bagani dahil starring po kami. Ang suporta namin kay Liza (Soberano) at Enrique (Gil).”

Naniniwala ang gobernador ng Ilocos Norte na masuwerte raw ang isang project kapag doon daw kinukunan sa kanilang lugar. Napatunayan na raw nila ito mula pa sa mga pelikula ni Fernando Poe, Jr. na sinu-shoot sa Ilocos.

Sana nga ay suwertehin ding malagpasan nila ang isyung ito sa mga Indigenous people.

BOOM: Pagkatapos palang arestuhin si Baron Geisler at naka-detain pa rin hanggang ngayon sa station 3 ng Angeles Police Station, dinalaw pa rin ang aktor ng mga kapatid niya.

Matagal daw silang nag-usap habang nasa selda pa ito. Hindi naman daw nila basta hayaan na lang nila si Baron dahil kapatid pa rin nila ito. Kaya si Donnie Geisler na rin ang nag-sorry sa publiko sa gulo ng pamilya at mga ginagawa ni Baron.

Nakausap namin sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH ang Chief Inspector Neil Rainier Mercado ng Angeles Police Station, sinabi niyang na-inquest na nga si Baron at nasampahan na raw ito ng kaso ng brother-in-law niyang si Michael Morales.

Kasong Grave Threats, Alarms and Scandals at Violation of Batas Pambansa 6 o Illegal Possession of Bladed Weapons ang ikinaso laban kay Baron, pero puwede naman daw itong i-bail. Pero wala pa raw ginagawang aksyon ang mga kapatid nito kung ibi-bail na ba siya.

Kaya as of presstime, nakakulong pa rin si Baron at nilinaw ng mga pulis doon sa Angeles Police Station na walang special treatment sa aktor. Pareho lang daw ang trato sa kanya kagaya ng ibang nakakulong doon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with