^

PSN Showbiz

Bianca tigil muna sa kakabiyahe

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sayang kung natuloy ang pagku-quit ni Bianca King sa showbiz. Nawalan siguro ang showbiz ng isang magaling na aktres. Buti na lang at timing ang alok sa kanya ng ABS-CBN. Wala na rin naman siya sa TV5 at inuubos lang ang panahon sa pagbiyahe.

Maaaring matagalan bago makapagbyaheng muli ang dating Kapatid at Kapuso dahil kasisimula pa lamang niya ng kauna-unahang serye sa Kapamilya, ito ang Mga Pusong Ligaw. Bagaman at bihasa na siya sa paggawa ng teleserye, nanibago si Bianca sa ginawang pagpapaulit-ulit sa kanya ng mga eksena hanggang ma-perfect ang mga ito. Wala siyang tutol lalo na nang makita niya ang resulta ng kanyang pinaghirapang trabaho. “Kakaiba gumawa ng teleserye ang Dos,” papuri niya.

Hindi zero ang lovelife ng bagong Kapamilya. May non-showbiz boyfriend siya.

Sarah nanggulat sa pagrampa

Rumampa naman bilang fa­shion model si Sarah Lahbati sa isang malaking fashion show kung saan ginulat niya ang mga nanood sa kanyang bagong looks. Ibang Sarah ang nakita ng lahat, mas maganda, maga­ling rumampa, iba sa hitsura niya kapag nagsasayaw sa ASAP. ‘Di mo sasabihin na ina siya ng mag-aapat na taong gulang na batang lalaki. 

Suwerte ni Richard Gutierrez dahil kahit namumroblema siya sa BIR ay panay ang sabak sa trabaho ng ina ng kanyang anak. Sana naman kapag nalusutan ni Richard ang malaki niyang problema ay magawa na niyang pa­kasalan si Sarah dahil baka maagaw pa ito sa kanya ng iba.

Miho aminadong ang pag-e-English  ang naging problema nila  ni Tommy

Ang bait ni Miho Nishida para hindi ilagay ang lahat ng bigat ng naging hiwalayan nila ni Tommy Esguerra sa balikat nito. Sinabi niya na malaki rin ang naging pagkukulang niya sa nangyari sa kanila. Sinisisi niya ang kakula­ngan niya sa lengguwahe ni Tommy na lalong nagpalawak ng diperensya nila.

Ngayong wala na silang relasyon ay ipinangako niya na gagawa siya ng maraming pagbabago sa kanyang sarili, hindi lamang para sa susunod niyang relasyon kundi para na rin sa sarili niyang kapakanan. Problema na lamang niya ay kung paano sasabihin sa kanyang anak na si Amy na wala na sila ng kanyang itinuturing na “daddy”. Lubhang napalapit na ang bata sa boyfriend ng ina kaya siguradong malulungkot ito sa nangyari sa dalawa.

Marami ang naniniwala na ginamit lamang ni Tommy si Miho dahil kinaila­ngan pa nilang hintayin ang pagtatapos ng kanilang serye bago sila naghiwalay. Siyempre, itinanggi ito ni Miho sa pagsa­sabing nagkataon lamang ito. Mas ma­gagalit sila kapag nalaman na sa araw matapos maghiwalay ang dalawa ay hindi sinipot ni Tommy ang guesting nila ni Miho sa It’s Showtime. Mag-isa lamang si Miho na sumayaw sa show. How ungentlemanly of Tommy! Artista na siya, dapat ang una niyang natutunan ay ang panuntunan sa showbiz na “the show must go on”.

Louise maraming gustong makatrabaho sa Dos

Ngayong isa nang Viva Artist si Louise delos Reyes inaasahan niyang makakagawa siya ng mo­vies sa Star Cinema kasama ang mga hinaha­nga­an niyang magagaling na aktor gaya nina Coco Martin, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, at Piolo Pascual.

Hindi naman siya marahil mahirap hanapan ng pro­ject dahil magaling naman siyang artista. Hindi naman siya napabayaan ng GMA. Katunayan ay nagpapatayo na siya ng bahay para sa kanyang pamilya. Bukod siya ng tirahan sa kanila.

Meanwhile, ano na kaya ang kinahinatnan ng kan­yang pag-aaral, nakatapos ba siya? Ngayong hindi siya busy sa showbiz, magagawa niyang balikan ito.

vuukle comment

BIANCA KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with