^

PSN Showbiz

Female personality walang ibang tama kundi sarili lang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagsisimula pa lang sa pag-aartista ang isang kilalang female personality ay matindi na ang problema sa kanya ng mga produksiyong kumukuha sa kanyang serbisyo. Matindi ang tantrums niya.

Mahirap siyang pakibagayan, ayaw niyang tumanggap ng payo, lalong hindi bukas ang kanyang isip sa pag-amin sa kanyang mga pagkakamali.

Hindi naman nagkukulang ang produksiyon, inire-report ng grupo ang kanyang attitude sa mismong pamilya niya, lalo na sa kanyang mommy na dati’y palaging nakabuntot sa kahit saan magpunta ang female personality.

Pero hindi rin makaya nito ang katigasan ng ulo ng babae, singtigas na ng semyento ang kanyang kukote, wala na siyang kahit sinong pinakikinggan.

Kuwento ng aming source, “Kung tantrums ang pag-uusapan, e, napakayaman ng babaeng ‘yun! Puwede siyang hiraman ng mga kapwa niya, puwede siyang magpautang nang walang tubo, sobrang sumpungin talaga ang babaeng ‘yun!

“Pinahihirapan niya ang production staff, marami siyang kesyo-kesyo, kung anu-ano ang inirereklamo niya na wala namang kaisyu-isyu! Sumpungin siya, mahirap siyang katrabaho!” simulang kuwento ng aming impormante.

Kahit pala sa kanilang bahay ay may pahulaan ang lahat tungkol sa kanyang ugali. Kapag nakasimangot siya ay walang kumakausap sa kanya. Kapag siya ang naunang magsalita ay saka lang kumikibo ang kanilang mga kasambahay.

“Spoiled kasi ang babaeng ‘yun. Meron kasing kulang sa buhay niya na pinupunuan na lang ng mga tao sa paligid niya. Pinababayaan lang siya nu’ng bata pa siya kahit mali na ang mga ginagawa niya.

“May mga kakapusan nga kasi siya. By spoiling her, akala ng mga nagmamahal sa kanya, e, okey na ‘yun! Ayan, dala-dala niya hanggang ngayon ang pagiging spoiled niya!

“Siya lang palagi ang nasa tama, mali na para sa kanya ang buong mundo, kaya ibang-iba talaga ang attitude niya! Ang lovelife niya, nauwi rin sa wala, marami siyang kuda tungkol sa mister niya, puro nega, hindi kaya tuwang-tuwa ang lalaking ‘yun dahil tapos na ang lahat sa kanila?” pagtatapos ng aming source.

Bago biktimahin sina James at Nadine, Marion Aunor naisahan din ng show promoter!

Tandang-tanda pa namin kung sino ang Elaine Crisostomo na nagpakalat ng kasiraan tungkol sa JaDine. Hindi kami puwedeng magkamali, kami ang natokang mag-interbyu sa kanya, ibinuyangyang niya sa buong mundo nu’n ang pagpapakasal nila ni Desiree del Valle sa Amerika.

Lantad na tibo si Elaine Crisostomo. Walang krimen sa pagiging tomboy pero ang magpakalat ng mga kuwentong puro kababalaghan ay ibang usapan na.

Bago ang JaDine ay siniraan din ng tomboy na ito si Marion Aunor. Dahil din ‘yun sa isang show sa Amerika kung saan hindi tumupad si Elaine sa mga pinagkasunduan nila ni Lala Aunor.

Binaligtad ni Elaine Crisostomo ang kuwento, ang mag-ina pa ang lumabas na masama, galit na galit sa tomboy na ito ang nag-abono pa nga sa show na si Maribel Aunor.

At ngayon ay heto na naman, ang JaDine naman ang kanyang pinuntirya, sorry na lang sa kanya dahil malinaw ang kontratang pinasok ng Viva Live sa nakaraang concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Amerika.

Wala siyang karapatang magreklamo at manira dahil hindi naman siya ang kausap ng Viva Live, kumbaga sa taxi ay wala siyang sariling linya at nakikabit lang siya kay Nancy Yang na kakontrata ng produksiyon, kaya ano ang karapatan niyang wasakin ang loveteam?

Kung nagbenta man siya ng mga ticket para sa brunch, ano ang karapatan niyang piliting magpunta du’n ang JaDine, samantalang wala naman ‘yun sa usapan ng Viva Live at ni Nancy Yang?

Bakit kaya hindi umuwi dito ang tomboy na ito para dito siya magdadakdak? E, ni wala pala siyang pasaporteng magkalat ng mga paninira dahil hindi naman siya ang kakontrata ng produksiyong humahawak sa JaDine?

‘Yan ang hirap kung minsan sa mga show promoter, magbebenta sila ng tickets sa mga kababayan natin sa ibang bansa na kakambal ang pangako na makakasalo nila sa brunch, dinner, merienda o anuman ang mga performers, pero wala naman ‘yun sa usapan.

E, walang sumipot na JaDine sa pinlanong brunch ng tomboy, ano ngayon ang gagawin niya, ‘di ang isalba na lang ang pagmumukha niya sa mga naghahabol na ticket holders?

Sino ngayon ang nasira sa mga kababayan natin sa Amerika? Ang JaDine ba na walang kamalay-malay sa pinagkakitaang brunch ng Elaine na ito? Suplado pala si James Reid, ha? Maldita pala si Nadine Lustre, ha?

Bastos pala at hindi marunong tumupad sa usapan ang magka-loveteam, ha? Bigyan ng piso ang tomboyitang ‘yan para may makinig sa mga kababalaghan niyang kuwento!

vuukle comment

ELAINE CRISOSTOMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with