^

PSN Showbiz

Marlon mas close pa sa pamangkin ni Pia kesa sa kambal na anak!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Marlon mas close pa sa pamangkin ni Pia kesa sa kambal na anak!
Marlon Stockinger

SEEN: Ang paglilinaw ni Isay Alvarez tungkol sa pagdalo niya sa Palit Bise rally sa Quirino Grandstand noong Linggo: “I support Digong but I don’t support  Palit Bise. I am for unification and not for divide. Malinaw po yan bago ko inawit ang Lupang Hinirang at Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika.

SCENE: Binigyan ng kahulugan ang closeness ni Marlon Stockinger kay Lara, ang 2-year-old niece ng kanyang girlfriend na si Pia Wurtzbach. Malapit si Marlon kay Lara pero hindi sa twin daughters niya sa model na si Kit Barraquias. 

SEEN: Sa wakas, nanalo sa Your Face Sounds Familiar Kids si Justin Alva noong Linggo dahil sa walong contestants, siya na lamang ang hindi nagwawagi. Napaiyak si Justin sa announcement na siya ang winner. 

SCENE: “Sympathy vote” ang tawag ng televiewers sa panalo ni Justin Alva dahil nagkaisa ang mga hurado na sina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid at Gary Valenciano na ibigay sa kanya ang 8-star votes. 

SEEN: Predictable at boring na ang mga episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa mga bata na nawawala at hinahanap ng kanilang mga kamag-anak.

Umaasa na lang ang staff ng programa ni Jessica sa mga viral story sa social media gayung maraming kuwento ang puwedeng gawin kung magiging masipag sila sa pagsasaliksik.  

SCENE: Lumilitaw ang ganda ni Gabbi Garcia sa tulong ng mahuhusay na make up artist. Ibang-iba ang hitsura ni Gabby kapag walang make up. 

SEEN: Nagtatampo ang selosang fans dahil hindi sila napili sa Merienda with Kris contest para umabot sa 3 million ang followers ni Kris Aquino sa Instagram. Nagamit sila ang pakiramdam ng mga naligwak na taga-hanga. 

SCENE: May pananagutan si Nadine Lustre dahil nag-iwan siya ng mga gamit na mahahalaga sa sasakyan na kinuha ng mga magnanakaw. Hindi nagkukulang sa paalaala ang police authorities na huwag mag-iiwan ng valuables sa loob ng kotse na iniiwan sa parking lot.

Tweet ni Nadine, “Guys, NEVER leave valuables in your car. It’s so easy to break windows now with a ninja rock. Lost my bag and a cam last night” .

vuukle comment

MARLON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with