^

PSN Showbiz

Matteo maingat kay Sarah!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pagdating kay Sarah Geronimo, obvious na mai­ngat nga si Matteo Guidicelli.

Sa sunud-sunod na photos niya kahapon na uploaded sa kanyang IG, pulos ang mga kapatid niya ang kasama.

Nag-boating daw sila at MGlifetsyle ang hashtag na siyempre ay pang-mayaman.

Kaya naman kanya-kanyang hula ang followers niya kung andun pa ba si Sarah sa Cebu o bumalik agad ito ng Maynila after nitong maki-party kay Matteo three nights ago.

Say pa ng ibang fans, buti pa ang ibang kapamilya ni Matteo nakikita ang photos nila ni Sarah.

Kung sabagay baka naman pareho nilang choice ‘yun para hindi na rin masyadong intrigahin ang relasyon nila bilang may kanya-kanya nga silang career.

Ronnie Alonte ginagaya raw si Daniel Padilla, ‘di rin nanonood ng sine?!

Walang naisagot si Ronnie Alonte sa Impossible Challenge sa kanila ni Julia Barretto sa tanong na ‘What movie reminds you of each other?’

Sagot ni Julia : “A Walk to Remember.”

Ronnie : “Hindi ako mahilig sa palabas.”

Meaning hindi nanonood ng pelikula ang Hashtags member?

Malakas ang kilig kina Julia and Ronnie.

Actually, kahit naman kina Joshua Garcia and Julia. ‘Yun nga lang, parang mas serious ang character ni Joshua kesa kay Ronnie na inaaway ng ibang fans ni Daniel Padilla dahil kino-kopya raw nito ang style ng kanilang idolo.

Luck at first… tuloy na sa may 3

Tuloy na sa May 3 ang showing ng pelikulang Luck at First Sight nina Jericho Rosales and Bela Padilla na dinirek ni Dan Villegas.

Sandaling natigil ang shoo­ting nila nang sumakabilang buhay ang tatay ni Echo.

Tomorrow na sana ang sho­wing nito.

Baka rin blessing in disguise na naurong dahil hanggang ngayon pinipilahan pa rin ang Beauty and the Beast at walang nakasabay na Tagalog film.

Maganda pa naman ang trailer ng Luck at First Sight na tungkol sa dalawang tao na sinu-suwerte pag magkasama pero bawal magka-inlaban.

Pareho ring magaling na actor ang dalawa plus Direk Dan pa.

Ellen nagsawa na sa lalaki?!

Pakikipagtukaan naman sa kapwa babae ang bagong drama ng sexy star na si Ellen Adarna.

Non showbiz naman ang kahalikan niya at bes ang tawagan nila kaya walang masyadong malisya.

Pero siyempre, iba ang dating nun sa mga nakakita. Feeling nila papansin na naman ang sexy star na hindi nawawalan ng bagong ‘pasabog’ sa kanyang social media accounts. Actually karaniwan sa ina-upload niya ay ang kanyang beach trip kaya given na naglalantad siya ng katawan.

Or baka naman nagsawa na raw sa lalaki si Ellen dahil wala naman yatang nagseseryoso kaya sa babae naman siya nag-try?

vuukle comment

MATTEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with