^

PSN Showbiz

Korean actor na si Kim Soo Hyun mas sikat sa Korea!

PIK PAK BOOM - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korean actor na si Kim Soo Hyun mas sikat sa Korea!
Song Joong-ki

Nakalimutan ko itong isulat agad, pero naloka ako nang malaman ko na ipinalabas na pala noon sa GMA 7 ang The Innocent Man, ang Koreanovela na pinagbidahan ng Korean actor na favorite ko na si Song Joong-ki.

Ang akala ko pa naman, hindi pa naipalalabas sa Pilipinas ang The Innocent Man kaya wala akong mahagilap na DVD copy ng teleserye ni Song Joong-ki pero may nagbigay sa akin ng English at Tagalog version na ilang beses ko na ring napanood. Umere na ang The Innocent Man sa GMA 7 noong July 22, 2013 hanggang October 31, 2013.

Sumikat nang husto si Song Joong-ki sa Des­cendants of the Sun, ang Koreanovela na napanood din sa Kapuso Network noong July 2016 na paulit-ulit ko nang napanood.

At bilang sikat na sikat ngayon si Song Joong-ki sa Pilipinas, may mga suggestion sa GMA 7 na ipalabas uli ang The Innocent Man pero sa mas maaga na timeslot para mas marami ang makapanood dahil masyado nang late ang 10:15 timeslot.

Naging favorite ko si Song Joong-ki dahil sa Descendants of the Sun at siya ang isa sa mga dahilan kaya nagbakasyon ako sa South Korea kamakailan.

Hindi nag-iisa si Song Joong-ki dahil superstar din sa bansa nila si Kim Soo Hyun, ang gumanap na Matteo Do sa My Love from the Star na umere rin noon sa GMA 7.

Sa true lang, mas marami ang mga poster at billboard ni Kim Soo Hyun ang nakita ko sa South Korea kaya parang mas in demand siya kesa kay Song Joong-ki pero ito pa rin ang forever favorite ko.

Ang GMA 7 ang nakakuha ng karapatan para sa Tagalog adaptation ng My Love from the Star na tatampukan ni Jennylyn Mercado at mapapanood ito sa March 2017 na nababalitang nasulot na raw ni Maine Mendoza.

Anyway, kasama ko sa pagbabakasyon sa South Korea si Mama Salve, Ian Fariñas at Isah Red. Nakaramdam ako ng sadness habang rumarampa sa Seoul lalo na nang pumasyal kami sa DMZ (Demilitarized Zone) dahil naalaala ko sina Inday Badiday at Douglas Quijano, ang mga kasama ko sa first trip ko noon sa South Korea.

Matagal na naging ambassador ng Pilipinas sa South Korea ang tatay ni Inday, si Ambassador Nicanor Jimenez kaya memorable ang biyahe namin noon.

Mark Anthony hiyang sa kulungan

Kahit nakakulong sa Pampanga Provincial Jail, lalong naging guwapo ang inaanak ko na si Mark Anthony Fernandez dahil pumayat siya.

Tanggap na ni Mark na aabutin siya ng Pasko at Bagong Taon sa kulungan pero hindi siya mag-iisa.

Tiniyak ni Alma Moreno na makakapiling nila si Mark sa Pasko dahil ito ang napag­desisyunan niya at ng kanyang mga anak.

Regular ang pagdalaw ni Alma kay Mark dahil may bahay siya na nirerentahan sa Pampanga para mapalapit sa anak niya.

Misis ni Mark Villar may advocacy sa kanyang sakit na Lupus

Tungkol sa Lupus disease ang advocacy ni Diwa Party-list House Representative Emmeline Aglipay-Villar, ang loving wife ni DPWH Secretary Mark Villar.

May Lupus si Mama Emy kaya ‘yon ang napili niya na advocacy. Pareho sila ng young American star na si Selena Gomez na may lupus kaya bakasyon muna ito sa entertainment scene.

May plano si Mama Emy na humarap sa mga miyembro ng entertainment press para ipaliwanag ang advocacy niya at magkaroon ng sapat na kaalaman ang madlang-bayan tungkol sa karamdaman na naging sakit din ni late President Ferdinand Marcos.

vuukle comment

KOREAN ACTOR

SONG JOONG-KI

THE INNOCENT MAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with