^

PSN Showbiz

Dahil kay Coleen, Billy nakulong ng magdamag sa Hong Kong!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Dahil kay Coleen, Billy nakulong ng magdamag sa Hong Kong!
Coleen Garcia at Billy Crawford

PIK: Marami na ang gustong dumalaw kay Sen. Bong Revilla na nasa St. Luke’s Hospital Global pa rin. Pero naghihigpit sa pagtanggap ng mga bisita dahil kailangan pa rin niya ng complete rest.

Nu’ng huli naming makausap si Mayor Lani Mercado, hinihintay pa raw nila ang resulta ng MRI ni Sen. Bong upang malaman ang dahilan ng pamamaga ng kamay nito, at erratic pa rin daw ang blood pressure ng dating senador.

Nasa hospital pa rin siya at hindi pa raw nila masabi kung hanggang kailan pa siya iku-confine.

PAK: Congratulations sa mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa sa bagong baby boy nila, si Marvic Valentin Sotto II. Iniluwal ni Kristine ang baby boy nila ni Oyo nu’ng kamakalawa ng gabi.

Nakita pa namin si Kristine sa kasal ng anak ni Ali Sotto na si Chino nu’ng nakaraang linggo lang at malaki na ang tiyan niya.

Siyempre si Bossing Vic Sotto ang isa sa pina­kamasaya lalo na’t ipinangalan pa sa kanya ni Oyo ang baby.

Nag-message din si Dina Bon­nevie sa post ni Oyo sa kanyang Instagram account at dadalawin raw niya ang bagong silang na apo.

BOOM: Tahimik ang kampo ni Billy Crawford, pero may nangyari raw pala sa kanila nu’ng nag-Halloween sila sa Hong Kong.

Totoo kaya ‘yung nakarating na kuwento sa aming magdamag na ikinulong si Billy sa presinto sa Hong Kong dahil may sinapak daw ito sa bar na pinuntahan nila ayon sa kuwentong nakarating sa amin, pababa raw sila ng bar at aalis na sana kasama sina Vice Ganda nang may biglang nanghipo ng puwet ni Coleen Garcia na ikinagalit siyempre ng young actress. Lalong nagkagulo nang sinapak ni Billy ang nanghipo na nakita ng mga pulis kaya hinuli si Billy at pansamantalang ikinulong sa presinto. Ayon sa a­ming source, kinaumagahan na raw ito nakalabas pag­katapos ng ilang oras na imbestigasyon.

Sabi ng ilang nakasaksi, hindi nila masisisi si Billy na sapakin ang lalaki dahil sa kabastusang ginawa nito kay Coleen.

vuukle comment

SEN. BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with