^

PSN Showbiz

Kiray umaapaw ang self-confidence!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naaliw kami sa reaction ng press people kay Kiray Celis habang naka-akimbo o nakapameywang habang ini-interview ng mga TV reporter sa presscon ng I Love You To Death. Oozing with self-confidence, sex appeal at isa pang adjective na hindi namin isinulat at baka may magalit.

In fairness, kering-keri ni Kiray na nakapameywang siya habang ini-interview and to my mind, siya pa lang ang artistang nakita naming ganu’n ang tayo habang ini-interview. Nagsimula at natapos ang interview na nakapameywang siya.

Samantala, gandang-ganda naman ang leading man ni Kiray na si Enchong Dee kay Michelle Vito dahil nang tanungin kung sino’ng aktres ang gusto niyang mukha, “Michelle Vito” agad ang sagot at sinundan ng “she’s very pretty” comment.

Showing sa July 6 ang I Love You To Death, ang second movie ni Kiray sa Regal Entertainment sa direction ni Miko Livelo. Ang dinig namin, may susunod pang pelikula na inihahanda sina Mother Lily at Roselle Monteverde kay Kiray.

Iya iniyakan ang hiwalayan nila ni Solenn

Nagkaiyakan sina Iya Villania at Solenn Heussaff sa last Friday episode ng Taste Buddies dahil nagpaalam na ang una sa viewers ng kanilang show. Nag-maternity leave na ang misis ni Drew Arellano at hinihintay na lang na isilang ang baby boy nila ng asawa ten o nine weeks from now.

Sa picture nila ni Solenn na ipinost ni Iya sa social media, halatang nag-iyakan sila at ang caption pa ay “Haaaay...Mixed emotions! Glad I was given the chance to get to know this girl more. Love my TB family!”

Sa ngayon, napapanood pa rin siya sa Chika Minute segment ng 24 Oras, Lip Sync Battle at ang cooking show nila ni Drew na San Miguel Purefoods Home Foodie na magsisimula na.

Ryzza may ka-loveteam na!

Talo ni Ryzza Mae Dizon si Patricia Tumulak dahil ang huli ay walang permanent partner sa Calle Siete. Si Ryzza Mae, may Jacob na kapareha at ang cute pa, Barbie at Ken ang pangalan nila sa comedy series na magsisimula ngayong Lunes, bago mag-Eat Bulaga.

Si Jacob ang itinutukso kay Ryzza Mae na crush nito nang mag-guest sa EB para i-promote ang ini-endorse. Well, reunited ang teen love team sa Calle Siete at marami ang nag-like sa picture nila na pinost ni Ryzza Mae sa kanyang Instagram (IG) account.

Bumisita kami sa taping ng Calle Siete sa may Quiapo at nalaman naming inuupahan ng APT Entertainment ang buong compound every taping day para nga naman wala nang lipatan ng location. Malaki ang location at nakaya ngang maglagay ng tent at portalet sa loob ng compound.

Sa buong compound tatakbo ang story ng Calle Siete na tinatampukan din nina Eula Valdez, Christian Vasquez, Kenneth Medrano, Taki, Lovely Abella, LM Mercado, Gloria Sevilla at marami pang iba.

Fans ni Kristine biglang nabuhayan ng loob

Hindi lahat ng fans ni Kristine Hermosa ay nagtatampo sa kanya dahil sa GMA 7 na siya mapapanood sa sitcom na Hay, Bahay! star­ting June 19. May Kapamilya fans siya na masaya kahit saang network lumabas at ang importante, muli siyang mapapanood sa TV.

May nagwi-wish din na maging successful ang Hay, Bahay! at nangakong susubaybayan ang sitcom mula sa pilot hanggang sa pagtatapos nito. Excited na ang fans niya sa mga eksena nila ng father-in-law niyang si Vic Sotto.

Mga bida rin dito sina AiAi delas Alas, Wally Bayola at Jose Manalo.

vuukle comment

SOLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with