^

PSN Showbiz

Singer-actress sinungaling at paasa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang taon na ang nakararaan ay nagkaroon ng show sa iba-ibang siyudad ng isang malamig na bansa ang isang female personality at isang male singer. Matagumpay ang lahat ng mga shows na pinagsamahan nila.

Spoiled sa mga show producers ang mga Pinoy singers at artistang duma­da­yo sa ibang bansa. Nire­regaluhan sila, inilalabas para maipasyal sa mga mar­kadong lugar, hindi sila pinababayaan.

Nu’ng paalis na ang dalawang performers ay nagsabi sila sa kanilang mga producers, “Pag umuwi kayo, kami naman ang bahala sa inyo. Just call us.”

Nu’ng taon ding ‘yun, nang magbalikbayan ang grupo ng mga prodyuser, ay ipinaalam ng mga ito sa dalawang performers na nasa bansa sila. Limitado lang ang kanilang panahon, isiningit lang nila ang pagbabakasyon, babalik din agad sila sa malamig na bansang dekada na nilang itinuturing na pangalawang tahanan.

Nag-text agad sa kanila ang male performer, “May show lang ako tonight, pero bukas, magkita-kita po tayo, I miss you all!” Pero ang female personality ay walang sagot sa kanilang mga text, tinatawagan din siya ng tropa, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag.

Napakasaya ng pagba-bonding ng mga prodyuser at ng mabait na male performer. Saludo sa kanya ang grupo dahil kahit napaka-busy nito ay humanap talaga ng panahon para lang makasama sila.

Nu’ng paalis na ang grupo at nasa airport na sila ay nag-text sa singer-actress ang isang prodyuser, “Sayang, hindi man lang tayo nagkita, pauwi na kami ngayon, malapit na ang boarding time namin.”

Kuwento ng aming source, “Aba, sumagot ang girl! ‘Bakit ngayon n’yo lang sinabing nandito pala kayo? Sayang naman, nagkita-kita sana tayo. Pagbalik n’yo na lang, ako na ang bahala sa inyo!’

“Dinedma nga niya ang tawag ng grupo, ‘di ba? Napakaplastik talaga ng babaeng ‘yun! Well, well, well,” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Luis may kakaibang nadiskubre kay Angel!

Nakapag-iisip ang nangyari kina Luis Manzano at Angel Locsin. Sa isang panahon na ang pinag-uusapan na ay ang kanilang pagpapakasal at malapit nang pagkakaroon ng apo ng Star For All Seasons ay saka naman sila naghiwalay.

Kung kailan sila nagkaroon nang mahaba-habang panahon ng pagsasama sa ibang bansa kasama ang kani-kanilang pamilya ay saka naman sila nag-break. Sino nga ba ang nakipaghiwalay kanino?

Madiin ang sagot ng aming source, “Si Luis ang nakipag-break kay Angel.” Anu-ano ang mga dahilan ng kanilang paghihiwalay? Sinabi ng aming source, “Basta, may nadiskubre si Luis.” Hanggang du’n lang ang kuwento.

May mga nagsasabi na gusto na talagang magpa­mil­ya ni Luis, ‘yun diumano ang dahilan kung bakit hindi ito tumakbong mayor ng Lipa City, prayoridad na ng aktor-TV host ang pagpapakasal.

Pero mukhang hindi naman ‘yun ang prayoridad ng aktres, katunayan, ayon sa kuwento ng mga taga-ABS-CBN ay siya pa rin ang gaganap na Darna.

Pero hindi ganu’n kababaw ang alam naming dahilan ng hiwalayan, malalim na malalim, may kinalaman ‘yun sa mga personal na senaryong nadiskubre ni Luis kay Angel.

Pareho naman silang may bibig, pareho silang puwedeng magpaliwanag tungkol sa kaganapan, ‘yun ang hinihintay ngayon ng taumbayan.

Dagdag pa ng aming source, “Kapag talaga matagal mong nakakasama ang isang tao, e, du’n mo pa lang malalaman ang tunay niyang ugali.

“Du’n mo pa lang mapag-iisip-isip na hindi pala siya ang gusto mong makasama habambuhay,” napapailing na komento ng aming kausap.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

LANG

LEFT

LUIS

MGA

PERO

QUOT

SILA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with