^

PSN Showbiz

Aktres na buntis daw, hindi pa halata ang tiyan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakita namin sa isang showbiz event ang aktres na naba-blind item na buntis sa kanyang non-showbiz, pero celebrity on his own right na boyfriend. Ang baby bump agad ang tiningnan namin sa aktres, pero mukhang hindi pa masyadong halata dahil keri pa niyang magsuot ng medyo fit na damit.

Hindi namin nakausap ang aktres dahil mabilis itong nawala after ipakilala sa press people. Ang dami pa naman naming gustong itanong sa kanya gaya ng pagbebenta niya umano ng mga gamit dahil aalis na ng bansa at sa abroad na maninirahan kasama ang kanyang partner at magi­ging anak, kung totoo nga ang balitang buntis siya.

Kilalang prangka ang aktres at maganda sanang malaman kung sa­sagutin nito ang tanong kung totoong buntis siya. Ang alam namin, may TV project at may gagawin sanang pelikula ang aktres. Ang TV project na lang daw nito ang matutuloy at out na siya sa pelikula.

Sari-Sari channel ng Cignal TV hindi sakop ng MTRCB kaya palaban ang mga palabas!

Present ang mag-amang Vic at Vincent del Rosario ng Viva Communications, si Mr. Noel Lorenzana, TV5 president/CEO, at si Jane Basas ng Cignal TV sa launching ng Sari-Sari Channel. Ang Viva Communications at MVP Group’s Mediaquest ang nasa likod ng sanib-puwersa na ito para magbigay ng mas maraming magagandang shows sa 1.18 million subscribers nito.

Sari-Sari Channel will broadcast 24/7 starting January 15, at exclusive sa Cignal subscribers. Naniniwala si Boss Vic na malakas at may demand ang televiewers ng free TV and Pay TV sa local shows, at ito ang kanilang ibibigay.

Hindi sakop ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang shows sa free TV and Pay TV, kaya mas matapang at edgy shows ang mapapanood ng subscribers ng Cignal TV. Puwedeng magmura ang cast at hindi lang puro iyakan.

Dumalo sa launching ng Sari-Sari Channel ang cast ng shows na Class 3-C Has A Secret (pilot this Saturday), Barrio Kulimlim (Feb.12), Kuya and Me (Jan. 29), My Only Love (Feb. 26), at ang adult drama na Dalawang Gabi (March 25).

Marami pang ibang shows na mapapanood sa Cignal TV, mini-series na madaling matapos para hindi magsawa ang viewers.

Monica nahihilig sa Mark

Nakausap namin si Monica Cuenca sa presscon/launching ng Sari-Sari Channel, isa siya sa bini-build up ng Viva at sila ni Mark Neumann ang bida sa remake ng My Only Love na sa February 26, 7 p.m., ang airing at may replay sa Feb. 28,10 p.m.

Ang cute ni Monica nang aminin na napapagod siyang mag-Tagalog dahil Cebuana ito. Taga-Kanaga, Leyte si Monica pero Cebu-based siya ngayon. Cebuano ang salita niya pero napipilitang mag-Tagalog para sa kanyang career.

May teaser ang My Only Love na nahalikan siya ni Mark at nagulat daw siya sa first screen kiss niya. Parehong Mark ang leading man ni Monica dahil si Mark Bautista naman ang kapareha sa musical na Bituing Walang Ningning. Sinabihan siya to stop calling Mark B “kuya,” kaya “babe” na ang tawag niya rito.

Also, labas na ang single ni Monica na Merong Pag-ibig at magsu-shoot siya ng music video. Wish nitong si Mark Neumann ang makasama sa music video.

Gabby gustong makatrabaho si Janice

Sayang at nakaalis na kami sa taping ng Because Of You nang dumating si Janice de Belen, kasama ang manager na si Popoy Caritativo na agent naman ni Gabby Concepcion. Papunta sa Mt. Carmel Church sa wake ni German Moreno sina Janice at Popoy nang dumaan sa taping sa Oasis na katabi lang ng Mt. Carmel Church.

Nang makita ang picture nina Gabby at Janice, naalala namin ang sinabi ng aktor na gusto niyang gumawa ng reality show kasama ang kanyang ex. Dahil friends sila ni Janice, tiyak na papayag ito na mapasama sa reality show. Ang problema lang, kung saang network ang airing ng reality show.

Sa ngayon, nagpapakilig muna si Gabby sa Because Of You, kung saan kinakikiligan ng viewers ang tambalan nila ni Carla Abellana.

vuukle comment

ALIGN

ANG

CIGNAL

JANICE

LEFT

MY ONLY LOVE

NBSP

QUOT

SARI

SARI-SARI CHANNEL

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with