^

PSN Showbiz

Mga manganganak inaabangan na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung may wedding boom among celebrity couples last year, nagkaroon din ng baby boom ang nagtapos na taon na sinimulan ng Kapamilya actress na si Melissa Ricks courtesy of her partner na si Charles Togesaki with a baby girl na kanilang pinangalanang Kiera Kelly na isinilang on January 12, 2015.

Ito’y sinundan ni Cristine Reyes at ng kanyang fiancé na si Ali Khatibi. Baby girl din ang isinilang ni Cristine on February 8, 2015 na may pangalan na Amarah.  February 26 naman isinilang ni Ciara Sotto-Oconer ang first baby nila ng husband ni­yang si Jojo Oconer (ng Eat Bulaga) na si Vin­cezo Xose na may palayaw na Crixus.

Buwan din ng Pebrero ipinanganak ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang kanyang second baby with husband Boyet Ahmee na si Alonzo Romeo Jose.  Second baby bale ito ng mag-asawa.

Girl ang kanilang panganay na si Callie.

Baby boy ang first baby ng mag-asawang Joross Gamboa at Katz Saga na isinilang last October 10 na kanilang pinangalanang Jace Kyler.

July 16 naman isinilang ni Jennica Garcia ang first baby nila ng mister niyang si Alwyn Uytingco, si Athena Mori.

September 26 former Kapamilya actress Empress Schuck gave birth to a baby girl Athalia courtesy of her boyfriend na si Vino Guingona.

October 23 nagsilang si Bianca Gonzales-Intal ng baby nila ng mister na si JC Intal, si Lucia Martine.

November 3 naman ipinanganak ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz ang second son nila ng kanyang husband na si Orion Casareo.

On November 23, ang panganay ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia ay isinilang.

Sa pagpasok ng taong 2016, ito’y sisimulan ng misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanilang magiging bunso na si Maria Lucia na may palayaw na Luna.

Other expectant moms this year ay ang dating Viva Hot Babe na si Jehn Rosendhal, ang singer na si Juris Fernandez at ang ex-PBB housemate na si Beauty Gonzales.

Kung hindi sana nakunan (twice) si Mariel Rodriguez-Padilla ay may baby na sana sila ng husband niyang si Robin Padilla ganundin ang singer-comedienne na si Pokwang courtesy of her American boyfriend na si Lee O’Brien maging ang mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda.

Nagdadalang-tao na rin ang misis ni John Prats na si Isabel Oli na nakatakdang magsilang this year sa kanilang magiging first baby ganundin ang ex-PBB housemate na si Wendy Valdez na buntis ngayon sa kanyang second husband na si Norman Garcia. First husband ni Wendy ang isa ring ex-PBB housemate na si Bruce Quebral.

Vic pangalawang beses pa lang ikakasal

Hanggang sa mga sandaling ito ay clueless pa rin ang publiko sa detalye ng nalalapit na kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna na mangyayari sa buwang ito ng Enero.

This will be Vic’s second marriage matapos siyang magpakasal sa kanyang unang wife na si Dina Bonnevie in 1982.

Ang marriage ng dalawa ay nagtapos noong 1992 at sampung taon lamang tumagal ang kanilang pagsasama na nagkaroon ng dalawang supling – sina Danica at Oyo Sotto na pareho na ring may pamilya ngayon.

Ang engagement nina Vic at Pauleen ay lumabas sa publiko last September 2015.

Ang tagumpay sa takilya ng MMFF movie nina Vic, AiAi delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza, ang My Bebe Love (#KiligPaMore) ang magsisilbing advance wedding gift kay Vic at ng kanyang magiging misis na si Pauleen. Si Vic ay isa sa mga producers pelikula.

Kean at Chynna, nanggulat

Marami ang ginulat ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza at lead vocalist ng Callalily at actor na si Kean Cipriano nang magpakasal ang dalawa bago nagtapos ang taong 2015.

Walang detalye na ibinigay ang dalawa sa kanilang respective IG accounts maliban sa dalawa nilang kamay na naka-post na may suot sa kanilang mga daliri ng dalawang identical (wedding) rings.

Si Chynna ay siyam na taong naging kasintahan ng dating GMA actor na si Railey Valeroso na nauwi sa hiwalayan.

Pagkatapos ni Railey ay si Kean ang naging nobyo ni Chynna last year na agad sinundan ng kanilang pagpapakasal.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALI KHATIBI

ALONZO ROMEO JOSE

ALWYN UYTINGCO

ANG

ATHENA MORI

BABY

BEAUTY GONZALES

KANILANG

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with