^

PSN Showbiz

Lyca wish na hindi mawalan ng career

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nangangarap ang The Voice Kids season 1 champion na si Lyca Gairanod na magtatagal pa siya sa show business. Bukod sa mga ginagawang mall shows ay gusto raw ni Lyca na muling mabigyan ng acting project ngayong 2016. “Sa sarili ko, sana hindi ako mawala rito sa career. Sana mahaba pa ‘tong career ko at sana hindi ako magbago. Enjoy pa rin kami ng pamilya ko kaya gusto ko pang tumagal dito sa showbiz,” nakangiting bungad ni Lyca.

“Gusto ko pong umarte kung bibigyan ako ng chance,” dagdag ng bata.

Sino naman kaya ang mga artistang gustong makaeksena ni Lyca? “Kahit naman po sino okay lang sa akin. Parang lahat po ay idolo ko na. Kasi sobrang ang galing nila ‘pag acting,” sagot niya.

Ngayon ay abala si Lyca para sa promotion ng kanyang single na Sa Isang Awit. “Sa isang awit, ‘yun po ‘yung kwento no’ng nangangalakal pa ako. Gusto ko po ma-inspire ang mga tao. ‘Yung song na po ‘yun galing sa album ko,” pagbabahagi niya.

Nagpapasalamat si Lyca sa lahat ng mga tagahangang sumuporta sa kanya noong nakaraang taon. “Maraming, maraming salamat po sa inyo na patuloy na sumusuporta sa akin. Sana po kahit tumanda man tayo, lumaki man ako, kayo pa rin po ‘yung sumusuporta sa akin,” pagtatapos ni Lyca.

Kahit kalahi pa Stella Araneta walang paki sa naging kapalaran ni Miss Colombia

Bago magtapos ang taong 2015 ay nagdiwang ang lahat ng Pinoy saan mang sulok ng mundo dahil sa pagkapanalo ni Pia Alonzo Wurtzbach bilang Miss Universe 2015. Ayon sa mentor at ang matriarch ng Binibining Pilipinas na si Stella Marquez Araneta ay sulit na sulit daw ang lahat ng pagod at sakripisyo na inilaan ni Pia para sa nasabing beauty pageant. “Congratulations to all the Filipino people not only here in the Philippines but around the world. It has taken so many years but we are lucky that we had a candidate that was ready to win,” nakangiting pahayag ni Stella.

Naniniwala raw ang dating beauty queen na malaki ang naitulong kay Pia ng ilang beses nitong pagsali sa Binibining Pilipinas noon. “She was learning constantly what to do and perfect her way of presenting herself. I notice her, she would be observing the other winners. Up to the last minute she was taking classes and she did it fantastic,” kwento ni Stella.

Naging kontrobersyal ang pagkakapanalo ni Pia dahil unang naanunsyo na si Miss Colombia ang nanalong Miss Universe at makalipas ang ilang minuto ay inamin ng host ang pagkakamali at sinabing Miss Philippines talaga ang nanalo.

Colombian si Stella pero wala naman daw naging problema sa kanya ang pangyayaring ito sa Miss Universe. “I’ve been running Binibining Pilipinas for so many years. I’ve poured my heart and soul in this. They will ask me what would you choose and I’ll say I’m Colombian but I would choose Philippines. No, that’s the way it is, I am in Binibining Pilipinas and I run it and she’s (Pia) a product of my contest, why would I go for Colombia?” giit pa niya.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BINIBINING PILIPINAS

BINIBINING PILIPINAS AND I

LEFT

LYCA

MISS COLOMBIA

MISS UNIVERSE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with