^

PSN Showbiz

Jennylyn napapangitan sa sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Jennylyn Mercado na kinaiinggitan niya ang ilang mga babae na masaya sa buhay pag-ibig.

Tanggap naman daw ng aktres na kailangan lamang niyang maghintay ng tamang panahon upang matagpuan din ang lalaking magpapaibig sa kanya. “Mahirap maghintay. Ang tagal ko nang naghihintay. Masaya ang puso ko, saktung-sakto sa Pasko,” makahulugang pahayag ni Jennylyn.

Samantala, kinilala ang aktres bilang Sex­iest Woman ng isang sikat na men’s magazine sa bansa.

Naiilang daw si Jennylyn kapag tinatawag siyang sexy ng mga tao. Hindi raw talaga sanay ang aktres kung paano lumakad ang isang seksing babae.  “Naiilang pa rin ako at natatawa kapag sinasabi nilang sexy ako. Ang pangit ko talagang maglakad, kahit posture ko pa­ngit,” paliwanag ng aktres. Matatandaang si Jennylyn ang nanalong Best Actress sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang English Only Please noong isang taon.

Ngayon ay ang Walang Forever naman ang pelikulang kalahok sa MMFF at si Jericho Rosales ang katambal ng aktres dito.

Hindi raw nakararamdam ng pressure si Jennylyn upang muling makamit ang nasabing acting award ngayong taon. “Ayokong maka-feel ng kahit anong pressure. Hindi ako ganoong tao. Ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko. Kung manalo, okay lang. Kung hindi mananalo, okay lang din,”pagtatapos ng aktres.

James at Nadine, sobra sobra ang pasasalamat

Magkahiwalay na ipagdiriwang nina Nadine Lustre at James Reid ang Kapaskuhan.

Pupunta si James sa Australia upang makasama ang buong pamilya nito. “I’ll be spending it sa Australia with my family. Matagal na rin akong ‘di nila nakakasama doon, and it’s also a time to rest,” nakangiting pahayag ni James.

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto nina Nadine at James kaya ito lamang daw ang tamang panahon upang makapagbakasyon din sila. Masayang-masaya si Nadine dahil hindi man pumunta sa ibang bansa ay makakasama rin ng dalaga ang buong pamilya. “Nami-miss ko na po ang bahay namin at ma­kasama ang family ko. Bale ito po ang time na quiet lang at bonding time kasama sila,” pahayag ni Nadine. Malaki ang pasasalamat ng dalawa sa patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan na lalong kinakikiligan ngayon sa teleseryeng On The Wings Of Love. “Lagi naming sinasabi na dahil sa JaDine supporters ang success ng bawat project namin, and malaki ang pasasalamat namin sa kanila dahil sobra, sobra ang support nila mapa-social media or personal. Malaking bagay po ito sa amin,”giit ni Nadine.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEST ACTRESS

ENGLISH ONLY PLEASE

JAMES REID

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JERICHO ROSALES

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NADINE

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with