^

PSN Showbiz

Sunshine, three weeks may sakit, drained!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, three weeks may sakit, drained!
Sunshine Cruz.

Atong ang nasa ibang bansa na raw...

Ang tagal din palang nagkasakit ni Sunshine Cruz.

Nawalan din daw siya ng lakas sa loob ng tatlong linggo.

“Been sick and feeling drained for three weeks,” umpisa ng post ng aktres noong isang araw.

“I took a spontaneous weekend beach trip with my sister @tess747. The fresh air was super rejuvenating and I’m feeling strong enough to return to the my routine this week,” dagdag niya kalakip ang pictorial sa hindi nabanggit na lugar ng beach kung saan naka-black swimsuit siya.

Mas nauna ang post ni Sunshine kesa sa balita kahapon na diumano’y nakaalis na ng bansa ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang sa pamamagitan ng “backdoor,” na kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Bago kasi hinatulan ang negosyante ay isinapubliko nila ng aktres ang kanilang relasyon.

Anyway, tumanggi si Remulla na magbigay ng karagdagang detalye kung kailan at paano umalis ng Pilipinas ang negosyanteng tycoon tho sa showbiz ay pinag-uusapang diumano’y nasa Vietnam ito.

Maaalala ngang pinili ni Sunshine na tutukan noon ang kanyang kalusugan.

 Meron siyang myasthenia gravis na ayon sa mayoclinic.com ay walang gamot at nakakaapek­to sa alinman sa kalamnan sa mukha, lalamunan, braso at binti.

Maaari rin daw lumaylay ang iyong mga talukap ng mata, makaranas ng pagdoble ng paningin, mahirapan sa pagsasalita o pagkain, o mahirapan sa pag-angat ng iyong ulo dahil sa panghihina ng mga kalamnan sa leeg. Ang myas­thenia gravis ay maaaring mangyari sa kahit anong edad. 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with