^

PSN Showbiz

Director inilaglag sina Alden at Julie Anne! Billy pinag-iingat sa lamok ang naninira kay Luis!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Successful ang Ala Eh Festival ng Batangas na pinamunuan siyempre ni Governor Vilma Santos.

Bale pang-walong taon na ito ni Gov. Vi at huling project niya bilang gobernador dahil tatakbo na siyang Congressman sa susunod na eleksyon.

Sabi ni Gov. Vi, inaasahan niyang itutuloy pa rin ito ng kung sinumang susunod na uupong gobernador dahil dito raw nakikita ang pagkakaisa at ang teamwork ng lahat na opisyal ng lahat na bayan ng Batangas.

Nagpapasalamat din siya sa tulong ng mga kaibigan sa movie industry dahil sa hindi raw siya nagdadalawang-salita sa mga iniimbita niyang kilalang celebrities para makibahagi sa taunan niyang festival.

Sa isang activity ng Ala Eh Festival na Voices, Songs and Rhythms, nakibahagi sina Vhong Navarro, Billy Crawford, Alex Gonzaga, Christian Bautista, mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, at si Pops Fernandez.

PAK: Nakatsikahan namin doon sa Ala Eh Festival si Billy Crawford at nagpahayag din ito ng pakikiramay sa pagpaslang sa ina ni Angelica Yap aka Pastillas Girl.

Lahat naman daw sila ay nakiramay at nung kamakalawa nga raw sa It’s Showtime ay nagbigay sila ng statement para kay Pastillas Girl at sa pamilyang naiwan ng kanyang ina.

“We said that kaninang hapon sa Showtime, We’re just here to be her friends,” pahayag ni Billy.

Samantala, ayaw nang patulan pa ni Billy ang paninira sa kanila ni Luis Manzano ng isang follower sa Instagram account ni Angel Locsin na pinagbibintangang sila raw ang dahilan kung bakit tinanggal siya sa restaurant na pinagtatrabahuan niya.

Reaction nga ni Billy na ipinost sa IG account ni Angel para sa taong nambibintang sa kanila ni Luis; “Luis isn’t capable of hurting a fly. But if this is what makes you happy to sturr things up, wala kaming magawa. Good luck na lang sa buhay mo. Sana mapansin ka dito para makapasok ka sa PBB. Ingat ka sa lamok baka ma-dengue ka. Hatred makes us laugh!”

BOOM: Ayaw nang sagutin ni direk Rich Lustre na direktor ng Sunday PinaSaya ang isyu nila ni Alden Richards kung saan sinagot nito ng “yes” ang tanong ng isang follower kung may relasyon ba sina Alden at Julie Anne San Jose.

Ang paliwanag niya sa isang nagtatanong ay parang half-asleep daw siya nung nagti-tweet siya kaya parang wala sa sarili na sinasagot ang mga nagtatanong sa kanya. ‘Yung nagtanong kung girlfriend nga raw ba ni Alden si Julie Anne ay buong akala niya kung friends na ang dalawa, ang tinatanong.

Na-like rin niya accidentally ang isang nagba-bash kay Maine Mendoza dahil inaantok na raw siya nung oras na iyon. Kaya na-bash siya tuloy ng AlDub Nation. Bakasyon na lang daw muna siya sa pagtu-tweet at naglabas ito ng public apology sa buong AlDub Nation.

Narinig naming hindi rin natuwa ang GMA Artist Center sa ginawa ni direk Rich Lustre kaya may nagsasa­bing dapat na magpaliwanag daw ito sa GMAAC na siyang naghahawak ng career ni Alden.

Bukod pa riyan, hawak din ng GMAAC si Julie Anne San Jose na apektado ng pagkakamaling ito ng naturang direktor.

vuukle comment

ACIRC

ALA EH FESTIVAL

ALIGN

ANG

BILLY CRAWFORD

JULIE ANNE SAN JOSE

LEFT

NBSP

PASTILLAS GIRL

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with