^

PSN Showbiz

Goodbye John Lloyd na ang drama? Angelica masaya sa pagsosolo sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hinding-hindi makakalimutan ni Angelica Pa­nga­niban ang kanyang recent trip sa New York, USA dahil mag-isa siyang bumiyahe.

Na-experience ni Angelica na mag-isang suma­kay ng tren at bus at mag-isang mamasyal nang hin­di siya pinagkakaguluhan ng mga tao kaya siya nag-enjoy nang husto.

Ito bale ang birthday treat ni Angelica sa kanyang sarili who turned 29 recently.

Kahit limang buwan pa lang ang tambalan Alden at Maine walang kahirap-hirap kumita ng milyones

Nasupalpal ang mga nagsasabing “flash in the pan” lamang umano ang tinatamasang kasikatan ngayon ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza dahil kahit maglilimang buwan pa lamang tumatakdo ang kanilang tambalan ay lalo lamang umiinit ito.

Mukhang mauulit ang muling pagsasama nina Alden at Maine sa Philippine Arena kapag natuloy ang binabalak na concert bilang follow-up sa kanilang October 24, 2015 Tamang Panahon show ng Eat Bulaga.

Malayo pa ang itatakbo ng kanilang Kalyeserye na patuloy pa ring tinututukan ng AlDub Nation hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Samantala, inamin ni Alden na posible umanong ligawan niya si Maine dahil pareho naman silang single at wala naman sigurong kokontra sakaling gawin niya ito. Very close na ngayon ang dalawa at formali­ty na lamang ng panliligaw ni Alden kay Maine ang kulang.

Ito bale ang first Christmas nina Alden at Maine na iba na ang kanilang estado bilang hottest love­team in the land na magli-limang buwan pa lamang tumatakbo.

Sa loob ng limang buwan ay milyones na ang kinita ng dalawa laluna sa kanilang mga product endorsements na tuluy-tuloy ang dating.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGELICA PA

EAT BULAGA

ITO

NBSP

NEW YORK

PHILIPPINE ARENA

TAMANG PANAHON

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with