^

PSN Showbiz

JaDine fans suportado sina Andre at Yassi

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Internet meme ibang level na! Alma at Karen ‘ipinasok’ sa Who Wants to be a Millionaire; Hindi nakakaintindi ng Tagalog, biglang sikat na Russian model hindi affected sa pamba-bash ng AlDub fans

SEEN: Magandang-maganda si Jolina Magdangal sa cover ng Back To Love, ang bagong album niya sa Star Music. Ang pagbabalik sa ABS-CBN ang itinuturing ni Jolina na isa sa pinakamagandang nangyari sa kanyang career ngayong 2015.

SCENE: Sinuportahan ng fans nina James Reid at Nadine Lustre ang premiere night ng Wang Fam sa SM Megamall Cinema noong Martes dahil kasali sa cast ng pelikula sina Yassi Pressman at Andre Paras, ang co-stars ng JaDine sa blockbuster movie na Diary ng Panget.

SEEN: Billed as Andrei si Andre Paras sa OBB ng Wang Fam. Walang letter I ang pangalan ni Andre.

SCENE: Pinaglaruan sina Alma Moreno at Karen Davila dahil may mga nakaisip na “i-convert” sa Who Wants To Be A Millionaire ang video ng pag-uusap nila sa Headstart ng ANC noong nakaraang linggo.

SEEN: Biglang sikat ang nameless Russian female model na love triangle nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga. Hindi maaapektuhan ng bashing ng AlDub fans ang Russian model dahil hindi ito nakakaintindi ng Tagalog.

SCENE: Unfair and insulting ang comparison kay P-Noy kay Mexican President Enrique Peña Nieto at Prime Minister of Canada Justin Trudeau, ang mga heartthrob ng APEC Summit 2015.

SEEN: Ang premiere sa December 9 ng restored version ng 1980 movie na Kakabakaba sa TriNoma Ci­nema. Ang Kakabakaba ang huling pelikula ng LVN Pictures, sa direksyon ni Mike de Leon at tinatampukan nina Christopher de Leon at Charo Santos.

SCENE: Magkakaroon sa December ng special screening sa Canada at Japan ang Felix Manalo ng Viva Films. Natapos na ang My Faithful Husband kaya inaasahan na makakadalo si Dennis Trillo sa international screening ng kanyang pelikula

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALMA MORENO

ANDRE PARAS

ANG

ANG KAKABAKABA

BACK TO LOVE

CHARO SANTOS

DENNIS TRILLO

EAT BULAGA

STRONG

WANG FAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with