^

PSN Showbiz

One Kapamilya Go! at Pinoy Pride 33 ng TFC nagtala ng makasaysayang Oktubre sa North America

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – November 10, 2015 (San Francisco, California) – Isang makasaysayang Oktubre ang hinatid ng TFC North America para sa mga Filipino sa U.S.A. at kalapit na lugar, kasama na ang Canada, nang itinanghal ng premyadong network ang dalawang naglalakihang events, isang linggo lamang ang pagitan: ang unforgettable, action-packed at world-class boxing matches sa Philippines vs the World at StubHub Center on October 17, hatid ng pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN Sports + Action, ALA International at TFC, tampok ang Filipino boxing champions tulad nina Donnie “Ahas” Nietes, Albert “Prince” Pagara, Mark “Magnifico” Magsayo, at Jason “El Nino” Pagara mula sa ALA International at US-based champion na si Bruno Escalante; at ang One Kapamilya Go sa Oracle Arena noong October 25 kasama ang cast ng top-rated teleserye na Pangako Sa ‘Yo - Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta Maria, Angelica Panganiban, Ian Veneracion, Thou “Takong” Reyes and DJ JhaiHo “Coring” at kilalang world-class performers, Charice, Erik Santos at Morissette.

“Natunghayan at pinagusapan ang mga celebrity at VIP photos sa aming October events sa traditional at social media, lalo na para sa One Kapamilya Go.  Ngayon, nais naming ibaling ang atensyon sa mga fans at ang kanilang partisipasyon, kasiyahan at pakikisalamuha sa kanilang mga kababayan sa kanilang pagpunta sa TFC events.  Nais rin naming bigyang parangal ang mga Filipino boxing cham­pions mula sa ALA International na nakipagsapa­laran sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippines Vs. The World,” saad ni ABS-CBN North America Head of Ad Sales, Events & Trade Marketing Ricky Resurreccion.

Bukod sa One Kapamilya Go! at Pinoy Pride 33, nagbigay kasiyahan din ang taunang TFC Sama Saya, tampok ang events sa New Jersey, Las Vegas, Nevada and Milpitas, California sa pagpasok ng Fall season sa U.S.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BRUNO ESCALANTE

DANIEL PADILLA

EL NINO

ERIK SANTOS

IAN VENERACION

JODI STA MARIA

KATHRYN BERNARDO

ONE KAPAMILYA GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with