^

PSN Showbiz

Komedyante sinibak ng mga boss dahil sa kabastusan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Marami ang nakapansin na parang nagdedmahan sina Eugene Domingo at Jose Manalo sa Celebrity Bluff nung nakaraang Sabado.

Ang latest na nabalitaan namin, okay na sila at naayos ang konting samaan ng loob.

Iba na kasi ang samahan nila sa naturang show, pero kung merong ‘di pagkakaintindihan ay pinag-uusapan naman nila. Kaya balik sigla na sila at muling umiinit ang kanilang JoGe loveteam.

Abangan mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman kung saan special guests nila ang magpa-partner na Rufa Mi at Polo Ravales, Ate Gay at Boobsie, at sina Enzo Pineda at Sheena Halili.

PAK: True kaya na tanggal na ang isang magaling na komedyante at writer na matagal na ring nanilbihan sa kanyang network?

Hindi lang namin nakuha ang buong detalye dahil ayaw na lang itong palakihin ng mga taong involved.

Pero pagkatapos daw mag-walk-out ni komedyante sa kanyang comedy show, na-offend ang mga executive dahil hindi ito nakipag-usap nang maayos. Tuloy tinanggal na rin siya sa isa pa niyang programa.

Wala pang kumpirmasyon sa isyung ito dahil tahimik lang muna sila. Inaabangan na lang namin kung mapapanood pa siya sa iba niyang programa.

Hindi na kasi namin siya napapanood nitong mga nakaraang linggo.

BOOM: Nakakaintriga ang ipinost ni Anthony “Ka Tunying” Taberna sa kanyang Instagram (IG) account nung nakaraang linggo kung saan kasama ng grupo nila sa Umagang Kay Ganda si Cong. Manny Pacquiao na best friend niya.

Showbiz na showbiz ang tsika niya sa caption nito na; “Hulaan blues! Anong TV network ang bibilhin ni Manny Pacquiao? Seryosong transaksyon ito dahil nag-DP na ang kaibigan na kanyang kasosyo. Pangalawang pahula. Sino ang kanyang maperang kaibigan? Abangan!”

Hulang-hula ng mga followers niya na ang GMA 7 ang tinutukoy at si Gov. Chavit Singson daw ang kasosyong maperang kaibigan.

Matagal na itong pinag-uusapan, pero ang isyung nag-deposit na ay hindi sinasagot ng GMA 7 at wala komento mula mismo kay Pacman.

Ewan ko lang kung gaano ito katotoo, dahil hindi pa namin naramdamang seryoso sina Pacquiao at Singson sa intensyon nila sa GMA 7.

vuukle comment

ABANGAN

ANG

ATE GAY

CELEBRITY BLUFF

CHAVIT SINGSON

ENZO PINEDA

EUGENE DOMINGO

JOSE MANALO

KA TUNYING

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with