^

PSN Showbiz

Dahil kay James Nadine umaming dumaraan sa matinding depresyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Nadine Lustre na nakaramdam siya ng depresyon kamakailan dahil sa ilang isyung personal. “I was feeling depressed, basta personal. It’s not with my career,” pagtatapat ni Nadine.

Nagdamdam ang mga tagahanga ng aktres dahil sa Instagram post ni Nadine noong October 20 na may caption na, “It’s gotten to the point where I don’t know who I am anymore. I constantly feel like I’m on the verge of breaking down. I feel like my mind is going crazy, and if my mind is an ocean, my thoughts are a tsunami. I can’t sleep, I can’t concentrate, I can’t even think straight. I am a mess. I’m coming apart at the seams and it scares me.” Burado na ngayon ang nasabing post ng dalaga.

Samantala, malaki raw ang naitulong ng naram­damang depresyon sa karakter ni Nadine bilang si Leah sa teleseryeng On The Wings of Love. May mga oras din na nadadala raw ni Nadine ang kanyang karakter sa serye kahit tapos na ang trabaho. “Hindi ko alam kung dahil ba kay Leah kaya ako nagkaganoon, o dahil ba talaga sa issues ko in my personal life kaya na-pull off ‘yung pagiging ganoon niya. Since every other day kami nagsu-shoot, so parang nadadala ko siya at home. I can’t really disconnect with my character. There’s really no time to release kasi work, work lang talaga,” paliwanag ni Nadine.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng aktres dahil nag-uumapaw ang mga biyayang natatanggap niya ngayon. “I’m really thankful kasi this is a blessing. Everything about it is a blessing. Parang two years ago, I wish na mangyari ‘to sa akin. So ngayon it is happening, so I’m just really thankful,” pagtatapos niya.

Wendy Valdez ikakasal na naman

Sa susunod na buwan ay muling magpapakasal ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Wendy Valdez. Hiwalay na ang aktres sa unang naging asawa kaya pwede na muling ikasal. “I got annulled so ito na ang second and last. It’s going to happen sa December 8 in Tagaytay, a garden Christian wedding. Sa ngayon, hindi na muna kami nag-invite ng media people pero makikita n’yo naman sa social media accounts ko. Hindi ko naman ipagdaramot ‘yun,” nakangiting pahayag ni Wendy.

Nagpapasalamat ang aktres dahil mas napalapit daw siya sa Panginoon na siyang gumabay upang magkaroon ng mas maayos na buhay. “I’m very, very excited kasi magsisimula na ako ng bagong family, kung ano man ang gusto ko gawin sa family ko, kung ano ang gusto ni Lord. Siyempre kasama na lagi ang asawa ko at ang mga natutunan ko sa pag-aaral ng bible, gusto ko na i-apply sa mga anak ko at sa magiging bagong buhay ko. Noong tinanggap ko si God sa buhay ko, natutunan ko na He can bring back my purity and He can make everything new. My life also ibinalik niya ‘yun sa akin. I’m getting married again and this time, my family and his family knows it,” makahulugang pahayag ni Wendy.

Magiging aktibo raw muli ang aktres sa showbiz pagkatapos ng kanilang kasal. “In God’s time, ngayon kasi busy ako sa wedding preps at doon sa house namin pero kung gusto pa rin nila, hindi naman ako aalis sa showbiz,” giit ng aktres.

vuukle comment

ACIRC

ANG

IN GOD

LEAH

LORD. SIYEMPRE

NADINE

NADINE LUSTRE

ON THE WINGS OF LOVE

PINOY BIG BROTHER

SAMANTALA

WENDY VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with