^

PSN Showbiz

Magazine na cover ang AlDub nagkakanda-ubusan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagpunta ako kahapon sa isang clinic somewhere in EDSA at hindi na ako nagulat nang marinig ko na tungkol sa AlDub ang pinag-uusapan ng mga empleyado dahil marami naman talaga ang fan ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sobrang updated ng clinic employees dahil sila pa ang nagbalita sa akin tungkol sa bagong softdrink commercial ng AlDub. Napanood na nila ang television commercial nina Alden at Maine na may special participation ng controversial na straw.

Madaragdagan pa ang mga television commercial ng AlDub dahil mga effective endorser sila, tulad ng statement ng bossing ng isang fastfood chain na tumaas ang sales ng isang pagkain nila dahil sa endorsement nina Alden at Maine.

Matibay na pruweba rin ang sold out copies ng YES! magazine na cover ang AlDub. Mabuti na lang, may kopya ako ng magazine na puwede nang i-consider na isang collector’s item.

Ikakasal sa susunod na taon

Invited ako sa isang kasal na idaraos sa ibang bansa dahil sinabihan na ako ng madir ng soon-to-be-bride na hindi ako dapat mawala sa importanteng araw sa buhay ng kanyang anak. Maituturing na celebrity ang bride kaya sure ako na who’s who ang mga invited guest sa kanyang coming soon wedding. Hindi pa nagkakaroon ng announcement tungkol sa petsa ng kasal pero siguradong mangyayari ito sa 2016.

Boyet loyal na mister kaya lalong minamahal ni Sandy

Belated happy birthday kay Christopher de Leon na nag-celebrate kahapon ng kanyang kaarawan. Nag-post si Sandy Andolong sa Instagram account niya ng touching message para kay Boyet.

Nagpasalamat si Sandy sa Diyos dahil sa pagbibigay sa kanya ng isang mapagmahal na asawa at ama sa kanilang mga anak at apo. Habang tumatagal ang pagsasama nila, lalong tumitibay ang pagmamahalan nina Sandy at Boyet dahil devoted husband at father ito. Hiniling ni Sandy sa Diyos ng bigyan ng special blessing si Boyet sa kaarawan nito. Ahava ang tawag ng mag-dyowa sa isa’t-isa. Love ang kahulugan ng ahava sa Hebrew language na itinuturing na banal.

Annabelle walang mintis ang pagsimba sa Sto. Niño church sa Cebu tuwing birthday

Kahapon din ang kaarawan ni Annabelle Rama na pinili na mag-celebrate sa Cebu, kasama ang kanyang mister na si Eddie Gutierrez at ang mga kamag-anak niya. Hindi nakakalimutan ni Annabelle na bumiyahe sa Cebu at magsimba sa Sto. Niño church tuwing birthday niya. Ang Sto. Niño ang patron saint ni Bisaya dahil ibinigay ng Sto. Niño ang lahat ng kanyang mga ipinagdarasal at hinihiling.

JoWaPao kabaligtaran na ang kapalaran sa kalyeserye

Si Wally Bayola ang ininterbyu kahapon ni Ricky Lo para sa CelebriTV. Personal na pinuntahan ni Papa Ricky si Wally sa Sugod Bahay na ginanap noong Biyernes sa Pamplona, Las Piñas. May kalayuan ang lugar pero it’s worth the trip dahil na-witness ni Papa Ricky ang pagkakagulo ng mga tao sa mga sikat na co-host ng Eat Bulaga.

Dati-rati, ang JoWaPao ang sumusugod sa mga bahay, ngayon sila na ang sinusugod ng libu-libong fans. Mula nang sumikat ang kalyeserye ng Eat Bulaga, nagdagdag ng security personnel at mga barikada ang TAPE, Inc. dahil talagang dinudumog ng mga kababayan natin ang mga star ng Juan for All, All for Juan.

Hindi na nakakapaglakad sa kalsada sina Wally, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Maine Mendoza dahil pinagkakaguluhan sila ng madlang-bayan. Hindi kagaya nang dati na libreng-libre nila na napupuntahan ang bahay ng lucky Eat Bulaga viewer na kanilang binibigyan ng tulong.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BOYET

CEBU

DAHIL

EAT BULAGA

MAINE MENDOZA

MGA

PAPA RICKY

STO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with