^

PSN Showbiz

Jean pasimpleng isinanla ang bahay ng pamilya!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maswerte ang isang taong pinanganak na mayaman ngunit paano kung sa isang iglap ay mawala ito dahil naging sugarol at nalugmok sa utang ang ina ng tahanan?

Ngayong Sabado (Oct. 24) sa Magpakailanman, tunghayan ang totoong kwento ng buhay nina Jason (Ken Chan) – ang isang masaya at marangyang pamilya na unti-unting sinira ng masamang bisyo ng pagsusugal.

Nag-iisang anak si Jason nina Stanley (Chris Villanueva) at Emily (Jean Garcia). Mayaman ang kanyang angkan. Isa rin siyang pure Chinese kaya bata pa lang ay naturuan na siyang magnegosyo at maging masinop sa pera.

Minsan ay naimpluwensyahan si Emily na tumaya sa sugal. Mula sa maliit na taya ay malaking pera ang naiuwi ni Emily. 

Naengganyo siyang tumaya ulit para manalo. Hindi nagtagal, nahumaling na si Emily sa bisyong pagsusugal. Na­ngungutang pa siya ng pera at nagbebenta ng mga gamit para lang makapagsugal. Nagkaroon siya ng maraming talo kaya nabaon siya sa utang. Dahil dito, palihim niyang isinangla ang bahay nila. Inuutangan at pinagnanakawan niya pa ang kanyang mag-ama. Ano ang gagawin nina Jason at Stanley para magbago na si Emily? Talikuran kaya ni Emily ang masamang bisyo para sa kanyang pamilya o tuluyan na siyang ilulugmok nito? Makakabangon pa kaya sa kahirapan ang pamilya nina Jason?

Mula sa direksyon ni Aya Topacio, huwag palampasin ang Magpakailanman – My Mother is a Gambler ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYA TOPACIO

CHRIS VILLANUEVA

JEAN GARCIA

KEN CHAN

MAGPAKAILANMAN

MULA

MY MOTHER

NGAYONG SABADO

PEPITO MANALOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with