^

PSN Showbiz

Jennylyn nabiktima sa kasikatan ng AlDub!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi napigilan ni Kris Bernal na maging emotional sa announcement ng Ultimate Final 14 ng Starstruck 6 dahil naramdaman daw niya ang sakit at hirap na nararamdaman ng apat na naiwan at hindi nakapasok sa finals.

“Napalapit na kasi ako sa kanila, at naramdaman ko ‘yung sakit sa puso na naramdaman nila.

“Dati kasi madalas din nasa bottom ako, at kahit hanggang ngayon kapag naririnig ko ‘yung dub dub na ‘yan natatakot pa rin ako,” pahayag ni Kris.

Masaya ang tsikahan sa press ng Final 14, at ilan sa mga paborito agad ng movie press ay sina Migo Adecer, Elyson de Dios, Klea Pineda, Koreen Medina, Kevin Sagra, at Joemarie Nielsen.

PAK: Talagang hindi kami sinagot ni Jennylyn Mercado nang tanungin namin siya sa Starstruck live episode kamakalawa ng gabi tungkol sa narinig naming isyung nag­kakalabuan na sila ni Dennis Trillo.

Ngumiti lang ito sa amin nang tanu­ngin namin ulit kung wala na ba sila ni Dennis.

Nagmamadali raw siyang bumalik sa taping ng My Faithful Husband.

Hindi na rin kasi magkan­da­ugaga ang Kapuso actress sa rami ng ginagawa niya, kaya wala na itong panahon para sa personal niyang isyu.

Namumroblema nga raw ang Regal Films kung may araw pa si Jennylyn na ma-promote ang pelikula niyang The Prenup lalo na’t sa October 14 na ang showing nito.

Totoo bang hindi raw puwedeng banggitin sa ABS-CBN 2 ang pangalan ni Jennylyn kapag nag-promote si Sam Milby?

Dahil sa kasikatan ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, sobrang apektado ang Kapamilya network kaya hinding-hindi raw puwedeng mag-promote doon si Jennylyn.

BOOM: Kung hindi maaayos, tiyak mababalitaan natin ang pagpapalit ng manager ng sikat na male celebrity.

Napag-uusapan pa lamang ngayon sa ilang ma­lalapit na kaibigan itong desisyon ng sikat na male celebrity.

Hawak siya ng kilala at nirerespetong manager mula sa kilalang pamilya sa showbiz. Kaya nagulat kami sa balitang ito.

Ang kuwentong nasagap namin, hindi na raw sina­sagot ni popular male celeb ang mga tawag ng manager at handler niya. Ilang linggo na raw niyang hindi kinakausap ang mga taong humahawak sa kanyang career. Nalaman nilang nakikipag-usap na raw ito sa isang manager na may mga hawak na ring kilalang celebrities.

Kung tatanggapin nitong manager si sikat na male celebrity, parang nakaka-off dahil malapit naman ito sa pamilya ng manager ni male celebrity. Hindi naman kasi member ng PAMI ( Professional Artists Managers, Inc.) ang iiwanang manager, pero ang posibleng lilipatan ay miyembro ng natu­rang samahan.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DENNIS TRILLO

HINDI

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOEMARIE NIELSEN

KEVIN SAGRA

KLEA PINEDA

KOREEN MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with