^

PSN Showbiz

Magbubuntis din agad-agad Pauleen naghahanda nang maging plain housewife!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Noon pa man ay sinasabi na ni Regine Velasquez na nami-miss na niya nang husto ang pagkanta kaya excited siya sa Regine at the Theater concert niya na gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort and Casino sa November 6, 7, 20 at 21.

Ito na bale ang malakihang concert niya pagkatapos ng Regine Series mall tour para sa mga PLDT Home subscribers.

Kaya naisantabi muna ni Regine ang pag-arte sa drama series o pelikula dahil mas gusto raw niyang mag-focus sa pagkanta.

Tingin daw niya ay nakakapagpahinga siya nang husto at nasa kundisyon ang katawan sa pagkanta.

PAK: Inaabangan ang episode ng kalyeserye today dahil aakyat na ng ligaw si Alden Richards kay Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Magkakaboses na rin si Yaya Dub, dagsa kasi na ang nag-inquire kung puwedeng makuha ang sikat na dubsmasher na mag-guest sa mga fiesta, personal appearance, concert. at pati Christimas parties.

Hindi sila nagtatanong sa budget, basta ang importante ay makuha lang daw nila si Yaya Dub.

BOOM: Mahigpit palang ipinagbilin ni Vic Sotto na walang media o press na makapasok sa isang exclusive village sa Laguna para kunan ang bahay na ipinapatayo nila ni Pauleen Luna.

Interiors na ang inaayos at ang tantiya nila ay by December ng taong ito ay puwede nang lipatan.

Pero gusto ni Bossing na gawing pribado lang ito at hindi puwedeng pasukin ng media.

Pinaghahandaan na rin ni Pauleen ang sarili na maging private dahil nangako na raw ito kay Bossing Vic na kapag mag-asawa na sila, hindi na siya puwedeng mag-soap. Okay lang daw ang once a week na show, pero parang pinaghahandaan na rin ni Pauleen ang maging plain housewife lalo na ‘pag may baby na ito.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BOSSING VIC

MAINE MENDOZA

PAULEEN

PAULEEN LUNA

REGINE SERIES

REGINE VELASQUEZ

SOLAIRE RESORT AND CASINO

VIC SOTTO

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with