^

PSN Showbiz

Spandau ballet, blake, at Pinoy cast ng miss saigon, makiki-party sa asap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Level up ang world class celebration ng ASAP 20  kasama ang mga Pinoy sa London dahil makikisaya at makikikanta ang world class artists na Spandau Ballet, Blake, at cast ng Miss Saigon ngayong Linggo (Sept. 20).

Tatapak sa ASAP 20 stage sa unang pagkakataon ang English new wave band na Spandau Ballet at magbabalik naman ang British vocal group na Blake para sa isa na namang OPM medley kasama sina Yeng Constantino at Angeline Quinto.

Bibigyang pugay din ang global Pinoy talent sa pagtatanghal ng Pinoy cast ng 2015 revival ng Miss Saigon.

Hindi naman magpapahuli ang ASAP Kapamilyas dahil bibirit din ng sikat na classics mula sa West End sina Martin Nievera, Lani Misalucha, Jed Madela, at Gary Valenciano.

Isang all Pinoy Pride musical number naman ang handog nina Bamboo, Yeng, KZ Tandingan, Richard Poon, and Aiza Seguerra.

Mula sa all-out vocal showdown, isang all-out dance battle naman ang magaganap sa dance royalties na sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Enrique Gil, Enchong Dee, Rayver Cruz, John Prats, at KC Concepcion pati na rin sa Supahdance favorites na sina Janella Salvador, Sam Milby, Jake Cuenca, at Arci Munoz.

Tuloy ang saya at sorpresa kasama naman sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at Coco Martin at Maja Salvador na maghahatid ng kilig.

Kwela naman ang handog ng sought after loveteams na LizQuen at JaDine na sasamahan sina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa isa na namang laughtrip na Karaokey segment.

Mahigit 10,000 katao ang dumalo sa ASAP 20 in London na ginanap sa The SSE Arena Wembley na siyang ikalawang pinakamalaking indoor arena sa lugar. Kahanay na ng ASAP Kapamilyas ang iba pang international artists tulad nina Elton John, Pink, Maroon Five, Beyonce, and U2, na nagtanghal at napuno rin ang venue ng libo-libong fans.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALEX GONZAGA

ANG

ANGELINE QUINTO

ARCI MUNOZ

ARENA WEMBLEY

COCO MARTIN

MAJA SALVADOR

MISS SAIGON

PINOY

SPANDAU BALLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with